Kagaya ng marami sa atin, itinuturing ng mga sikat na artistang ito ang kanilang edukasyon bilang isang karangalan. Sa kabila kasi ng kanilang kasikatan ay pinili pa rin ng iba sa kanila na iwanan pansamantala ang kanilang trabaho para matupad ang pangarap – ang makapagtapos ng pag-aaral at matanggap ang kanilang international degree.
Narito ang listahan ng mga Pinoy celebrities na may international degree.
1. Catriona Gray
Dahil sa kaniyang pagkahilig sa musika, hindi na nakapagtataka kung bakit kinuha ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kursong Music Theory sa Berklee College of Music.
Nagtapos at natanggap ni Catriona ang kaniyang Master Certificate in Music Theory dito kung saan ay natutunan ng beauty queen ang music theory, ear training, harmony at iba pang kursong may kinalaman sa musika.
2. Angel Locsin
Taong 2017 ay kumuha ng kursong Fashion Design ang tinaguriang real-life Darna sa London College of Fashion.
Ginamit ni Angel ang lahat ng kaniyang natutunan at tinupad ang kaniyang pangarap na maging designer nang siya mismo ang nagdisenyo sa inilunsad na koleksyon ng mga bag ng Avon.
3. Glaiza De Castro
Proud na ibinahagi ng aktres na si Glaiza De Castro sa kaniyang Instagram ang kaniyang natamong international degree sa music production sa Point Blank Music School sa London.
Ayon sa aktres, kinailangan muna raw niyang iwanan pansamantala ang kaniyang pagiging artista para matupad ang kaniyang pangarap na mag-aral ng musika.
4. KC Concepcion
Taong 2007 ay nakuha ni KC ang kaniyang bachelor’s degree sa kursong International Corporate Communications sa American University of Paris.
Noong nagaaral pa si KC sa Europe ay napabalita ang kanyang pagiging independent at ang kanyang pagpasok sa iba’t ibang mga trabaho para pandagdag sa kanyang panggastos habang namamalagi at nag-aaral sa Paris.
5. Jericho Rosales
Si Jericho Rosales ang nagpatunay sa marami na walang pangarap na hindi makakamit basta may determinasyon at pagsisikap ang isang tao.
Mula sa mahirap na pamilya ay pinasok ni Echo ang mundo ng showbiz kung saan ay marami siyang natamong pagkilala dahil sa angking galing sa pag-arte. Upang mas mapalalim pa ni Echo ang kaniyang kaalaman sa propesyong nagbigay ng pangalan sa kaniya ay kumuha siya ng kursong may kinalaman sa acting, directing at producing sa New York Film Academy.
6. Toni Gonzaga
Pinatunayan naman ng aktres, TV-host at businesswoman na si Toni Gonzaga na “learning never stops” for her nang lumipad siya patungong U.S. upang mag-aral ng maikling kurso sa Professional Development for Marketing Strategy sa Harvard University. Dito ay naging kaklase niya ang mag-asawang Vicki Belo at Hayden Kho.
7. Isko Moreno Domagoso
Ang sikat na sikat ngayon na mayor ng lungsod ng Maynila na si Yorme Isko Moreno ay kumuha ng isang maiksing kursong Leadership in Crisis sa John F. Kennedy School of Government sa Harvard University noong 2012.
Nag-enroll at natapos niya ito noong siya ay nanunungkulan pa lamang bilang vice mayor ng lungsod ng Maynila.
The post Ito ang ilan sa nakakamanghang Pinoy celebrities na nakapagtapos ng kurso sa eskwelahan sa ibang bansa appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments