Iwa Moto, sinabing mas nauna pang nalaman ni Jodi Sta. Maria ang kanyang pagbubuntis kesa sa ama ng kanyang baby

Madami mang nangyayari ngayon na hindi maganda at hindi naayon sa mga plinano ay meron pa ring mga nangyayari na masasabi nating parang ilaw sa gitna ng dilim. Katulad na lamang ng mga masayang balitang pagbubuntis na kahit na nasa gitna ng p@ndemya ay masaya pa rin ang mga soon-to-be mommies at daddies dahil sa ibinigay na biyaya sa kanila.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Kamakailan lang ay masayang ibinalita ng Kapuso actress na si Iwa Moto na ipinagbubuntis niya ang pangalawang anak nila ng kanyang partner na si Pampi Lacson.

Sa kanyang Instagram account ay nagpost si Iwa ng letrato ng resulta ng ultrasound niya at sinabi niya sa caption kung gaano na sila ka-excited sa paglabas ng kanilang pangalawang anak next year.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

“Hello there little one.. We are all excited to meet you. But for now chill ka muna dyan. Mag palaki ka at magpalakas. Wag mo na pahirapan si mommy hah.. Love you.”

“Hello everyone meet the new addition to our family. 😍 coming soon🥰 #baby2021 🤰🏻

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Dumagsa ang pagbati kay Iwa sa mga komento at isa na ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa nagpadala ng komento at nagsabing hindi na nila maantay ang pagdating ng baby ni Iwa.

“Hello 👋🏻 we can’t wait to meet you 😊” 

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Nagreply naman si Iwa sa komento ni Jodi at sinabing mas nauna pa si Jodi na nakaalam ng kanyang pagbubuntis kesa sa tatay ng kanyang dinadalang sanggol.

“@jodistamaria 🤣🤣🤣🤣 nauna ka pa nga nakaalam kesa sa tatay😝😝😝

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Sumagot muli si Jodi at sinabing, “@iam_iwa hahahaha naaalala ko nung sinabi mo sakin 😊 congratulations madam and @iampampi 🎂🎉 wag magpapa-stress! be healthy for the baby 🙏🏼

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Maraming netizens ang natuwa sa relasyon ngayon at pakikitungo sa isa’t isa ng dating magkaaway na sila Jodi at Iwa.

“@jodistamaria @iam_iwa nice relationship❤ Sana someday magka-baby din uli si Jodi❤

“@jodistamaria super bilib ko sa inyong relation ni Ms. Iwa Ms. Jodi. God Bless you more po💗

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

“@jodistamaria @iam_iwa 💜 There’s no question that God is also in the center of such a beautiful friendship! Co-parenting na, blended family pa, the children are growing up happily with so much love and guidance. 💜

Dating asawa ni Jodi Sta. Maria si Pampi Lacson. Nagsama sila ng limang taon at nabiyayaan ng isang anak na pinangalanan nilang Thirdy. Ngunit hindi naging successful ang kanilang marriage kaya nagdesisyon ang dalawa na maghiwalay.

Credit: Jodi Sta. Maria Instagram

Si Iwa Moto naman ngayon ang kinakasama ni Pampi. Ang panganay nilang anak na babae ay pinangalanan nilang Mimi.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Umingay ang pangalan nila Iwa at Jodi noon nang nasangkot sa kontrobersiya ang dalawa ngunit noong 2013 ay nagkaayos na sila at ngayon ay itinuturing nila ang isa’t isa na parte ng kanilang pamilya.

The post Iwa Moto, sinabing mas nauna pang nalaman ni Jodi Sta. Maria ang kanyang pagbubuntis kesa sa ama ng kanyang baby appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments