Ang aktor at komedyante na si Paolo Elito Macapagal Ballesteros IV o mas kilala bilang Paolo Ballesteros ay isa sa mga host ng longest running noontime variety show na ‘Eat Bulaga’.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram          

Nakilala si Paolo nang siya ay tanghalin bilang “King of Makeup Transformation” dahil sa kakaibang talento at kahusayan nito sa paggaya ng mukha ng ilan sa mga kilalang international celebrities.

Sa kanyang Instagram account ay proud na ipinasilip ni Paolo ang kanyang napakagandang “Home sweet home” na bunga ng kanyang pagsisikap.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Makikita ang pagiging classic at elegante ng kanyang tatlong palapag na bahay na may napakagandang view at kitang-kita ang kagandahan ng siyudad.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Mula sa labas ng kanyang bahay ay makikita ang pagiging moderno nito na napapaligiran ng matataas na pader na talaga namang ibinagay sa kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Makikita rin sa labas ng kanyang bahay ang mga halaman na kung tawagin ay ‘mother tongue’ na nagpadagdag sa ganda ng lugar.

Kapansin-pansin rin ang kabuuang kulay ng bahay na may touch of black, white at wooden brown na kung saan si Paolo mismo ang pumili.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Makikita din ang pagiging minimalist mula sa mga kagamitan at furniture na nagpadagdag sa kasimplehan ng disenyo ng bawat parte ng kanyang bahay.

Pinili ni Paolo na palibutan ang kanyang bahay ng mga glass window mula sa labas ng kanyang bahay hanggang sa kanyang kwarto nang sa ganon ay masilayan niya ang pagsikat at paglubog ng araw at makita ang kagandahan ng Antipolo.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Mapapansin din kung gaano kalaki ang kanyang terrace na may napakagandang view.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Hindi rin nawala sa kanyang bahay ang kanyang malawak na walk-in closet kung saan makikita ang kanyang napakaraming damit, sapatos, at mga costume.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Meron din siyang kwarto na pinagawa kung saan niya ginagawa at tinatago ang kanyang mga paint artworks.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Ayon sa isa sa kanyang mga panayam ay sinimulan ng aktor ang konstruksyon ng kanyang bahay noong 2017 sa tulong ng Electus Builders architect na sina Gerald Torre at Lyra Tobias.

Matapos nga ang isang taon ng paghihintay ay nakalipat na rin sa kaniyang dream house ang aktor noong 2018.

Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Sa bagong bahay niya rin sinalubong ang Bagong Taon kasama ang ilan sa malalapit na kaibigan sa showbiz industry.

The post Mapapa-wow ka sa ganda ng bahay at sa ganda ng view mula sa bahay ng Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star