Ipinakita ni Iya Villania sa kanilang latest video kung gaano kabilis lamang niya isinilang ang pangatlong anak na si Baby Alana

Halos dalawang linggo na ang nakakaraan bago isinilang ng celebrity mom na si Iya Villania ang kaniyang 3rd baby kay Drew Arellano na si Baby Alana Lauren.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Matatandaan na isinilang ng aktres si Baby Alana noong July 18 at lubos niyang pinasalamatan ang mga nurses at doctor na umalalay sa kanya noong mga panahon na nasa ospital pa lamang siya.

Credit: Life With The Arellanos YouTube

Nitong linggo lamang ay ibinahagi ng celebrity mom ang kanyang naging delivery journey mula sa video na in-upload niya sa kanilang YouTube channel.

Credit: Life With The Arellanos YouTube

“In celebration of our baby girl’s 2nd week into this world, we thought it would be nice to share what D-day was like for us even in the middle of this p@ndemic.”

Credit: Life With The Arellanos YouTube

Marami ang humanga at bumilib sa aktres na makikita ang pagiging kalmado nito sa kabila ng nararamdamang labor pains at contractions habang naghihintay sa oras na pwede na niyang mailabas si Baby Alana.

Credit: Life With The Arellanos YouTube

Mapapanood sa video na naging chill lang ang nangyaring panganganak ni Iya na makikita na dalawang beses lang ang kanyang naging pag-ire bago niya tuluyang isinilang si Baby Alana sa tulong at pag-alalay ng mga nurse at doctor sa loob ng delivery room.

Credit: Life With The Arellanos YouTube

Labis ang pagkagulat ni Iya nang malamang babae ang kanilang magiging anak dahil ayon sa kanya ang mga naihanda nilang gamit ni Drew ay mga gamit na pang lalaki o mga napagliitang gamit ng kanilang dalawang lalaking anak.

Credit: Life With The Arellanos YouTube

“Wala akong hinandang pambabae, at all.”

Bago mangyari ang mga ito ay ibinahagi ni Iya ang kanyang naramdamang takot na isilang at lumaki ang kanilang magiging anak ni Drew lalo na sa panahon ngayon.

Credit: Life With The Arellanos YouTube

Sa kabila ng hirap at takot na pinagdaanan ni Iya ay makikita ang pagiging emosyonal nito habang karga si Baby Alana.

Credit: Life With The Arellanos YouTube

Mababakas naman ang excitement kay Iya sa kanilang pag-uwi kinabukasan para makita ang magiging reaksyon ng kanyang dalawang anak na si Primo at Leon kapag nasilayan na nila ang kanilang little sister na si Baby Alana.

Credit: Life With The Arellanos YouTube

The post Ipinakita ni Iya Villania sa kanilang latest video kung gaano kabilis lamang niya isinilang ang pangatlong anak na si Baby Alana appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments