Ipinakita ni Kim Chiu ang kanyang dedikasyon para mapanatiling maganda at healthy ang kanyang pangangatawan

Hindi natin maipagkakaila ang importansya ng pag-eehersisyo sa gitna ng p@ndemya na ating kinakaharap sa kasalukuyan.

Credit: Kim Chiu Instagram      

Isa ang regular na pag-eehersisyo, kasama ng pagkain ng masusustansyang pagkain sa mga iminumungkahi ng mga doktor at eksperto sa medisina upang labanan ang mga v!ruses kagaya ng c0vid.

Isa sa mga nagsisilbing inspirasyon sa mga netizen ngayon ay ang “Chinita Princess” ng Kapamilya network na si Kim Chiu. Pinapaalala ng aktres ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan at isip para sa masayang pamumuhay.

Credit: Kim Chiu Instagram

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Kim Chiu sa kaniyang fans at followers ang kaniyang workout routine upang mapanatili ang kaniyang maganda at malusog na pangangatawan.

Credit: Kim Chiu Instagram

Ayon sa kaniyang IG post, kinakailangan natin ng “end0rphin” para makapagpatuloy sa ating mga pang-araw-araw na gawain. Ang end0rphin ay kemikal na inilalabas ng katawan para mapawi ang stress.

Credit: Kim Chiu Instagram

At dahil balik na naman ang Metro Manila sa MECQ ay iminungkahi ni Kim na huwag pabayaan ang katawan at patuloy pa rin sa pag-eehersisyo kahit na nasa bahay lamang.

Mapapansin din sa video na shinare ni Kim ang kakaibang lakas niya na umani ng maraming komento mula sa kaniyang IG followers.

Mayroong humanga sa kaniyang tatlong oras na workout routine ngunit mayroon ding medyo nababahala sa taas ng oras ng kaniyang pag-eehersisyo.

Credit: Kim Chiu Instagram

Sa isang reply ni Kim sa mga nagtatanong kung saan siya humuhugot ng lakas, pabiro nitong sinabing humuhugot siya ng lakas sa mga napapanood niyang balita.

Hindi man kapansin-pansin ngunit sa kabila ng kaniyang payat na pangangatawan ay may itinatago itong kakaibang lakas. Subalit wala namang dapat ipag-alala ang mga netizen dahil sanay na ang artista sa pag-eehersisyo at talagang aktibo ito.

Credit: Kim Chiu Instagram

Sa katunayan, kung bibisatahin ang IG feed ng aktres ay maraming makikita na video kung saan nagbabahagi si Kim ng iba’t ibang ehersisyong pwedeng gawin kahit nasa loob lamang ng bahay.

Credit: Kim Chiu Instagram

Kamakailan lang ay naglock-in shoot ang lahat ng cast ng Love Thy Woman kung saan nanatili ng matagal si Kim sa isang kwarto na malapit kung saan sila nagshushoot. Ipinakita ng aktres sa room tour video na inupload niya sa kanyang YouTube channel na dinala pa niya ang kanyang stationary bike para makapag-ehersisyo pa rin siya kahit wala siya sa bahay.

The post Ipinakita ni Kim Chiu ang kanyang dedikasyon para mapanatiling maganda at healthy ang kanyang pangangatawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments