Ini-reveal ng aktor na si Eric Fructuoso na nagtatrabaho siya ngayon bilang tricycle driver para maitaguyod ang pamilya sa gitna ng p@ndemya

Panalo ang dating aktor at miyembro ng the “Gwapings” na si Eric Fructuoso sa pagiging madiskarte ngayong may p@ndemyang kinakaharap ang mundo at habang ang lahat ng hanapbuhay ay apektado ng krisis na ito.

Credit: @eric.fructuoso Instagram    

Para matustusan ang pangangailan ng kaniyang pamilya ngayong may p@ndemya ay naisip ni Eric na mamasada bilang isang tricycle driver sa Naic, Cavite.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Sa Instagram post ni Eric ay sinabi niyang sa panahon ngayon hindi na uubra ang pagiging mapili sa trabaho para suportahan ang pamilya.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Lubos din niyang ipinagmamalaki na handa siyang pasukin ang lahat ng trabaho basta ligal lang ito maitaguyod lang ang edukasyon ng kaniyang mga anak.

Ibinahagi din ni Eric sa Instagram ang isang larawan niya kung saan nakasakay siya sa kaniyang tricycle.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Aniya sa post, “Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!”

Dahil dito maraming netizens ang humanga sa pagsasakripisyo ng aktor bilang ama para sa kaniyang mga anak. Narito ang ilang komento ng netizens sa Instagram post ni Eric.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

“Tama po kayo sir basta marangal n trabaho wlang dapat ikahiya at saka aanhin ang kaartehan kung wla nman laman ang tiyan”

Credit: @eric.fructuoso Instagram

“sa panahon po ngaun bawal na ang maarte..tama po yan..good father po kayo..”

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Hindi rin maiwasan ng netizens na humanga sa walang kupas na kagwapuhan ng dating aktor. Kahit kasi nagmamaneho ito ng kaniyang tricycle ay malakas pa rin ang hatak ni Eric sa mga kababaihan.

Ayon sa ilang netizens, gugustuhin daw nilang si Eric ang kanilang maging driver.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

“Lagi po ako mamalengke pag gnyn ang driver, bgyn ko pa ng tip. ANG GWAPING NG DRIVER”

“Lagi nako magtricycle pag ikaw ang driver”

Credit: @eric.fructuoso Instagram

Dahil sa kaniyang hilig sa mga motor ay hindi na nakapagtataka kung bakit naisipan ng aktor na maging tricycle driver.

Sa katunayan, sa kaniyang Instagram at Youtube channel ibinabahagi ni Eric ang kaniyang mga travel escapades gamit lang ang kaniyang motor.

Credit: @eric.fructuoso Instagram

May plano rin ang aktor na ikutin ang buong Pilipinas ng nakamotor lang kapag maayos na ang sitwasyon ng bansa.

“Kapag safe na at pwede na lumabas, iikutin ko buong Pilipinas,” paglalahad ni Fructuoso sa kaniyang Instagram post.

The post Ini-reveal ng aktor na si Eric Fructuoso na nagtatrabaho siya ngayon bilang tricycle driver para maitaguyod ang pamilya sa gitna ng p@ndemya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments