Humagulgol sa iyak ang partner ni Andi Eigenmann na si Philmar nang makita at makausap niya si Andi at Lilo sa video chat

Napakahirap ang mawalay sa mga mahal sa buhay. May mga pagkakataon na mangungulila ka na lang sa kanila at aasang sana ay makasama na sila muli.

Credit: Philmar Alipayo Instagram       

Sa Instagram live na pinost ng partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo ay makikita ang sobrang pangungulila ni Philmar sa kanyang mag-inang sila Andi at Lilo na kasalukuyan ay nasa Maynila.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Kung titignan ang mga post ni Andi sa kanyang Instagram account ay ilang linggo na silang nasa Maynila ni Lilo kasama pa ng panganay na anak ni Andi na si Ellie. Si Philmar naman ay naiwan sa isla ng Siargao.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Sa umpisa ng video ay ipinakita ni Philmar ang kasiyahan nila ng kanyang mga kaibigan na tumatalon mula sa isang tulay pabagsak sa dagat. Nagkaroon pa ng pagkakataon na sumasayaw sayaw pa si Philmar.

Sa may dulo ng live video ay biglang naka-chat ni Philmar si Andi kung saan maririnig siyang sinasabi na, “Hello, my love!”

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Nang lumabas na ang video nila Andi ay bakas sa mukha ni Philmar ang kasabikan na makita ang kanyang mag-ina. Sabay-sabay naghiyawan sila Philmar at kanyang mga kaibigan para batiin sila Andi.

Makikita rin kung gaano kasaya si Andi lalo na si Lilo nang makita si Philmar. Napatigil pa sa pagdede si Lilo at napabungisngis sa saya na makita ang kanyang ama.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Ilang segundo pa ang nakalipas ay napayuko na si Philmar at nagsimula nang humagulgol ng iyak. Napatanong si Andi kung umiiyak si Philmar at ipinakita sa live video na umiiyak nga si Philmar.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Napasabi na lang si Andi ng, “Mahal, it’s live! Don’t cry. Lilo’s calling you.”

Ngunit hindi talaga napigilan ni Philmar ang kanyang bugso ng damdamin at di na kinayang humarap pa muli sa live video chat nila ni Andi.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Maraming netizen ang na-touch sa pagiging emosyonal ni Philmar nang makita ang kanyang mag-ina.

“Aaaw… They are his soft spot. Lalakeng walang inuurungan kahit ang talunin ang tulay. Pero pag family na eh lumambot bigla ang tuhod nya. He terribly miss his mag ina.💕

Credit: Philmar Alipayo Instagram

“Nakakaiyak nmn..pinanood ko talaga hanggang dulo…subrang miss na talaga niya mag ina.. niya…so sad…😢😢😢😢uwi na po kayo mam andi….ang saya ni bb lilo laking tawa pa kita nya dady…❤

“he misses them so much. You can see him happy on cam palagi doing things, pero deep inside he is just as soft as pandesal kasi miss niya na family niya. hang in there strong Papa philmar.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz) on

The post Humagulgol sa iyak ang partner ni Andi Eigenmann na si Philmar nang makita at makausap niya si Andi at Lilo sa video chat appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments