Ibinahagi ni Carmina Villarroel kung gaano siya ka-strikto sa kanyang kambal na anak na sila Mavy at Cassy pagdating sa kanilang curfew

Mahalaga para sa isang magulang ang maprotektahan at mapanatiling ligtas ang kanyang pamilya mula sa kapahamakan na maari nitong maranasan.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Ganito inilarawan ng aktres na si Carmina Villaroel ang kanyang sarili pagdating sa kanyang pagiging strict at protective mommy sa kanyang kambal na anak na si Mavy at Cassy. Sinabi ito ni Carmina sa isa niyang press conference.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Ayon sa aktres tila siya daw ay isang security guard sa paraan ng pagbabantay at pagiging strikto nito sa tuwing may pinupuntahan ang kambal.

“Ako talaga `yung security guard ng bahay kapag, kunwari, meron silang birthday party na pinupuntahan.”

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Ibinahagi ni Carmina ang mga curfew rules na kanyang ipinatupad para kay Mavy at Cassy.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Isa na nga doon ang hindi niya pagpayag na pumunta ang kambal sa kahit na anong club at bars bukod sa mga bahay-bahay at restaurant na ipinapaalam nila sa kanya.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Binansagan din ni Carmina ang kanyang kambal na anak na si Mavy at Cassy bilang Mr. Tawad at Ms. Tawad sa tuwing humihirit sila at tumatawad sa oras ng kanilang pag-uwi galing sa mga pinupuntahang okasyon o events.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

“12 a.m. talaga ang curfew nila. Pero siyempre si Ms. Tawad, si Mr. Tawad. Kilala ko naman kasi mga kaibigan nila. So Cinderella time, 12 hanggang sa tatawad tawad na yan ng mga 12:30, 1, 1:30 ganon.”

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Ayon naman kay Carmina ay lubos namang naiintindihan ng kanyang mga anak ang pagiging strict at protective mom niya sa kanila.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Sa kabila nito ay inilarawan naman ni Mavy at Cassy si Carmina bilang isang malambing, mapagbigay at selfless na nanay sa kanila.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Ayon sa kambal ay isa sa mga nakuha nilang pag-uugali mula kay Carmina ay ang pagiging generous nito.

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Sinabi ni Mavy na, “Kahit sobrang puyat ka sa work, sobrang pagod ka, you’re super sick, it doesn’t matter, you’re always you. Walang bad days, I mean everyone has their good and bad days. Pero ikaw parang wala eh. Parang it’s always the same day for you. Always the good day. Kasi you always enforce that to be the positive change.”

Credit: Carmina Villarroel-Legaspi Instagram

Nagbigay din ng napakagandang mensahe si Cassy para sa kanyang ina, “I want to thank you for being so selfless. Kasi you think of us more than yourself. You’re the most selfless person I know. I couldn’t ask for a better mom… I’m very blessed to have you as a mom.”

The post Ibinahagi ni Carmina Villarroel kung gaano siya ka-strikto sa kanyang kambal na anak na sila Mavy at Cassy pagdating sa kanilang curfew appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments