Hinangaan si Kapuso actress Jillian Ward dahil sa kanyang murang edad ay nakapagpatayo na siya ng sariling bahay

Bata man o matanda, marami sa’tin ang nangarap na magkaroon ng sariling bahay. Marami rin sa’tin ang hindi lang tumigil sa isang pangarap at nagsumikap para maipatayo ang kanilang pangarap na bahay.

Credit: Jillian Ward Instagram

Isa nga rito si Kapuso actress Jillian Ward. Marami ang napahanga ng Prima Donnas actress dahil sa murang edad ay nakapagpatayo na ito ng sariling bahay.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Jillian ang bunga ng kaniyang pagsisikap–ang kaniyang ipinapagawang bahay.

Credit: Jillian Ward Instagram

Sa Instagram post ay sinabi ni Jillian, “Another blessing, almost done! Thank you lord for everything..”
Dagdag niya, “I’m genuinely so happy and inspired right now.”

Bukod sa kaniyang pag-arte ay pinasok na rin ni Jillian ang pagba-vlog. Sa katunayan, sa unang YouTube vlog ni Jillian ay ipinasilip nito ang ipinapagawang 3 palapag na bahay sa Pampanga.

Credit: Jillian Ward Instagram

Napiling ipatayo ni Jillian ang bahay sa lugar kung saan lumaki ang kaniyang ama at maging siya.
Pagkukuwento ni Jillian, “This house is based in Pampanga because my father grew up here and I grew up here as well.”

Credit: Jillian Ward Instagram

Kahanga-hanga rin si Jillian dahil napaka-hands on nito sa pagdedesenyo ng kaniyang bahay.
Sa vlog ay ikinuwento ni Jillian ang kaniyang mga planong gawin o idedesenyo sa bahay.

“My room is well-lit because I don’t like it very dark. Maybe I can place a sheer curtain here but my mom wants blinds. But, I don’t want blinds. I also wanted to paint my ceiling with a sky or maybe some Van Gogh’s paintings in there,” ani Jillian.

Credit: Jillian Ward Instagram

Hindi na nakapagtataka kung bakit nakapagpatayo nang kaniyang sariling bahay si Jillian. Sa murang edad kasi ay nagsimula nang kumita si Jillian. 5 taong gulang siya nang pasukin ang mundo ng pag-arte. 15 taong gulang na si Jillian ngayon kaya maituturing na 10 taon na siya sa industriya.

Umani naman ng maraming reaksyon mula sa netizens ang post na ito ni Jillian. Narito ang ilang komento ng netizens.

Credit: Jillian Ward Instagram

“Congratulations!! You deserve it”

“Taraaaay! Congratulations Jill”

“We’re excited to see your new house”
Samantala, patuloy pa ring mapapanood si Jillian sa teleseryeng Prima Donnas sa Kapuso network.

The post Hinangaan si Kapuso actress Jillian Ward dahil sa kanyang murang edad ay nakapagpatayo na siya ng sariling bahay appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments