Erich Gonzales, ipinasilip na ang loob ng kanyang simple at minimalist na bahay

Simple at minimalist… Ganito kung ilarawan ng artista at vlogger na si Erich Gonzalez ang produkto ng kaniyang pagsisikap, ang kaniyang bahay.

Credit: Erich Gonzales YouTube         

Sa kaniyang latest video na inupload, pinaunlakan ni Erich ang most requested video ng kaniyang fans at subscribers at ito ay ang kanyang house tour.

Sa unang bahagi ng vlog, masayang winelcome ni Erich ang kaniyang fans sa living room ng kaniyang bahay. Proud na proud si Erich na ibinahagi ang kaniyang customize sofa pati na rin ang kaniyang ottoman center-table na multifunctional dahil ginagawa niya itong tulugan kapag gusto niyang magpahinga o matulog.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Walang gaanong furniture na makikita sa kaniyang living room at high-ceiling din kaya maluwag at napaka-aliwalas nito tignan.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Bukod sa living room, mayroon din siyang powder room sa unang palapag ng kaniyang bahay kung saan ay may couch din. Biro pa ni Erich na, “more couch, more chances of sitting.”

Credit: Erich Gonzales YouTube

Sunod na dinala ni Erich ang netizens sa ikalawang palapag ng bahay kung saan ay may tatlong bedrooms. Makikita rin ang isang console table na mayroong iba’t ibang preserved flowers at painting ng kaniyang kapatid.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Mayroon din siyang two-seater recliner sofa kung saan madalas namamalagi si Erich lalo na kapag siya’y naglalaro ng “Call of Duty”.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Gaya ng iba niyang furniture ay customized din ang 6-seater dining table ni Erich para tama lang ang laki at fit sa space ng kaniyang bahay.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Ikwenento naman ni Erich na madalas siyang kumain sa counter-table ng kaniyang kitchen area.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Mahilig si Erich sa lavender kaya naisipan din niyang maglagay ng lavender flower sa kaniyang kitchen area gaya ng ibang parte sa kaniyang bahay.

Favorite spot naman ni Erich sa kaniyang bahay ang lanai area. Dito madalas tumambay si Erich kapag gusto nitong mag-relax at magmuni-muni dahil maaliwalas at maganda ang view mula rito.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Ayon pa kay Erich, parang “winter” din daw sa lamig kapag gabi dahil sa mga halaman na nakapaligid dito. May nakalagay ding hagdanan kung saan mula sa lanai ay pwedeng bumaba papunta sa garden area.

Malinis at clutter-free naman ang dirty kitchen ni Erich. May sariling kwarto din ang kasambahay ni Erich sa kaniyang bahay. Mayroong 4-car garage ang bahay ni Erich at kasalukuyan siyang may 2 SUVs at 1 van na naka-park dito.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Huling ipinasyal ni Erich ang netizens sa kaniyang ipinagmamalaking garden at backyard na puno ng halaman, gulay at prutas. Sa katunayan, napapalibutan ng mga halaman ang bahay ni Erich, sa loob man o labas, dahil ayon sa kaniya napapasaya siya ng mga ito.

Credit: Erich Gonzales YouTube

Sa huling bahagi ng vlog, ikwenento ni Erich na nabili niya ang lupa sa edad na 22 at taong 2014 nang nakaipon ay sinimulan niyang ipagawa ang bahay. Sa parehong taon din ay natapos ang construction ng bahay at nakalipat na si Erich.

The post Erich Gonzales, ipinasilip na ang loob ng kanyang simple at minimalist na bahay appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments