Dating GMA News reporter na si Steve Dailisan, sasabak na bilang spokesperson ng Air Asia matapos mawalan ng trabaho bilang piloto ng Cebu Pacific

“Whatever comes my way, I am RED-y”

Credit: Steeeeeve Dailisan, MC Instagram       

Ito ang mensahe ng dating GMA news reporter na si Steve Dailisan sa kaniyang Instagram post. Kamakailan ay inanunsyo niya ang magandang balita na meron na muli siyang trabaho at handa na siyang sumabak sa isa na namang panibagong challenging role bilang Public Affairs Manager at Spokesperson ng Air Asia airline. Ito ay matapos siyang mawalan ng trabaho bilang piloto ng Cebu Pacific dahil sa p@ndemya.

Credit: Steeeeeve Dailisan, MC Instagram

Kabilang sa labis na naapektuhan sa mga ipinapatupad na l0ckdown sa bansa ay ang mga katulad ni Steve na nagtatrabaho sa aviation industry.

Credit: Steeeeeve Dailisan, MC Instagram

Inamin ni Steve sa kaniyang post na nakaranas siya ng matinding kaba dahil sa pagkawala ng kaniyang trabaho. Gayunpaman, nakatulong daw kay Steve ang kaniyang pagiging piloto at pagiging dating mamamahayag upang hindi siya mawalan ng pag-asa at manatiling lumalaban pa rin sa gitna ng p@ndemya.

Credit: Steeeeeve Dailisan, MC Instagram

Sa post ay sinabi ni Steve na, “I admit, I was anxious and exhausted but I never entertained the thought of giving up. This is what we need right now to stay afloat. FIGHT and WIN, ONE DAY at a TIME. True enough, we are never denied, just redirected by God to a better plan.”

Credit: Steeeeeve Dailisan, MC Instagram

Ginamit ni Steve sa kaniyang post ang “RED”. Ito ang kulay na hindi lang sumisimbolo sa Air Asia kung hindi isang simbolismo rin ng tapang at determinasyon para harapin ang bagong umaga upang maghatid ng inspirasyon sa kapwa niya na nawalan ng trabaho at hindi alam kung saang dereksiyon sila patungo ngayong panahon ng p@ndemya.

Credit: Steeeeeve Dailisan, MC Instagram

Aniya, “Red has always been associated with courage, passion, and adventure. It is usually painted in the sky at dusk—the beginning of a bright new day.”

Credit: Steeeeeve Dailisan, MC Instagram

Mensahe rin ni Steve para sa lahat ng nawalan dahil sa gitna ng p@ndemya na ‘wag silang mawalan ng pag-asa at magdasal lang dahil may bagong oportunidad din na naghihintay sa kanila.

Credit: Steeeeeve Dailisan, MC Instagram

“And for everyone who lost their dream job, their nurtured businesses, their family member or anything precious during this difficult time, just hang in there! You will definitely find your way back! PRAY and BELIEVE that a new opportunity awaits”

Credit: Steeeeeve Dailisan, MC Instagram

Tumatak si Steve sa publiko bilang isang TV news reporter ng GMA7 dahil sa kaniyang husay sa pamamahayag at sa hindi rin malilimutang mahabang pagbigkas ng kaniyang pangalan.

The post Dating GMA News reporter na si Steve Dailisan, sasabak na bilang spokesperson ng Air Asia matapos mawalan ng trabaho bilang piloto ng Cebu Pacific appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments