Rodjun Cruz, ibinahagi ang b0nggang 2nd birthday party ni Baby Joaquin

Napaka sayang ipagdiwang ang kaarawan ng iyong anak kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Nag celebrate nung kama kailan lang sila Rodjun Cruz, at ang buong pamilya ng ika-2nd birthday ng kaniyang anak na si Joaquin. Ang naturang birthday celebration ay may temang Hot wheels. Ito ay maaalala nating tema na may kaugnayan sa mga makalumang disenyo ng sasakyan.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Makikita sa mga litrato na nag enjoy ang buong pamilya at mga mahal nila sa buhay na dumalo at nag ukol ng kani kanilang oras para i celebrate ang 2nd birthday ni baby Joaquin. Namataan din sa litrato ang sikat na aktres na si Geneva Cruz.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Siya ay pinsan nilang mag kapatid nila Rodjun at Rayver Cruz. Ang nasabing birthday party ay talaga namang star studded. Madaming mga katrabaho nila sa industriya ang dumalo. At dahil isang magaling na mananayaw si Rodjun Cruz, hindi nawala ang mga dance numbers sa birthday celebration.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Isang napaka laking birthday cake din ang inalay nila kay baby Joaquin. Ang cake ay isang 3 layer fondant cake na may temang Hot wheels din.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Sa mga litrato na pinost ni Rodjun ay makikita din ang video call nila ng kanyang kapatid na si Rayver Cruz. Marahil, hindi naka dalo ang kapatid sa kanyang hectic na schedule. Pero nakapag laan parin ng panahon ang kapatid na si Rayver dahil ito ay isang mahalagang araw para sa kanyang pamangkin.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Gayun pa man, kahit na wala si Rayver mismo sa kaarawan ni baby Joaquin, siguradong babawi itong si tito sa kanyang pag babalik at pag naka luwag na sa oras.

Credit: @rodjuncruz Instagram

Namataan din sa comments ang kanilang pinsan na si Sunshine Cruz. Marami din ang bumati sa pamamagitan ng comments at ang post na ito ay umani ng mahigit 8k likes sa Instagram. Nag comment din si tito Rayver Cruz at sinabi nitong “Idol!”.

Credit: @rodjuncruz Instagram

The post Rodjun Cruz, ibinahagi ang b0nggang 2nd birthday party ni Baby Joaquin appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments