Anak ni Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto, 3 taong gulang na!

Ngayong tag init nga naman ay isa ngang magandang ideya ang magpunta sa beach para makapag palamig naman. Ngunit isa ding magandang panahon ang tag init para mag diwang nang kaarawan under the sun tapos sa isang island beach pa diba?

Credit: @marianrivera instagram

Talagang mapapa go ka nalang, kasi sino bang hihindi sa gala? Maliban nalang siguro kung maraming dapat gawin o talagang nag titipid pa o nag iipon pa lamang, ano pa man doon marami talaga sa atin ang talaga nga namang gogora at gagawa nang paraan para makasama sa getaway na ito.

Credit: @marianrivera instagram

Sa kanyang latest post, Marian Rivera ang kilalang aktres kasama ng buo nitong pamilya ay nag diwang nang kaarawan ng isa sa kanilang anak na si Sixto. Na hindi lamang ito ginanap sa kanilang buhay bagkus naging oportunidad nga ang kaarawan ni Sixto para makapag outing at I-celebrate ang buong magpapamilya.

Credit: @marianrivera instagram

Ang pamilya Dantes nga ay nag diwang sa Pangulasian Island Resort.


Credit: @marianrivera instagram

“Happy happy birthday to my sweetest boy, Sixto! I’m so happy to see you grow and learn everyday. You bring so much joy into our lives. Please don’t grow up too fast,” sabi nito sa kanyang caption bilang pagbati sa kanilang cute na cute na si Sixto.

Credit: @marianrivera instagram

Makikita nga sa mga larawan ang talaga ngang undeniable cuteness nito at pagiging adorable na hindi natin nga maiwasang mapansin ang mga minana nitong angking kagwapuhan sa kanyang mga magulang na pareho talagang hindi magpapatalo kung pagwapuhan at pagandahan lamang ang dahilan.

Credit: @marianrivera instagram

Si Sixto ay makikitang naglalakad sa white sand na tila naglalakbay na seafarer na naligaw sa isang magandang isla. Sya nga ay nakasuot ng stripe na white shirt at short na stripe blue and white. Nakasuot din si Sixto nang hat na mas nagpakumpleto nang larawan.

Credit: @marianrivera instagram

Ngayon, matapos nang ilang oras na pagkaka post nito sa Instagram ay nakakuha na ito nang 141, 548 and counting na likes. Madami din sa mga netizen ang pumansin sa gandang lalaki ni Sixto at binati ito nang maligayang kaarawan.

Credit: @marianrivera instagram

Sa huli, pagbati muli para kay Sixto. Happy 3rd birthday at gaya nang magulang nya nawa ay mas marami pang kaarawan ang maranasan at maabot ang nais nito sa buhay.

The post Anak ni Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto, 3 taong gulang na! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments