Yamyam Gucong, pinakilala na ang kanyang bagong silang na sanggol na si Baby Ali

Isa sa mga masayang moments ng isang lalaki ay ang maging isang asawa at ama sa kanyang talagang piniling makasama habang buhay. Pagkat tunay nga naman na hindi mapapantayan ang galak na mararanasan nang isang ama na mahawakan o mabuhat sa bisig nito ang kanyang sariling l@m@n at dug0.

Credit: @gucongyamyam instagram

Isa na ngang ganap na ama itong ating Pinoy Big Brother: Otso Big Winner na si Yamyam Gucong. Makikita sa ilang mga larawang sa social media ang larawan nang kanilang bagong silang na babaeng sanggol na mahimbing na natutulog. Mababakas nga ang pagkakahawig ng bata kahit pa nga kasisilang pa lamang nito sa kanyang magulang. Ang kanyang asawa ay isang non-showbiz na si Elaine Toradio.

Credit: @gucongyamyam instagram

“Welcome to the outside world baby ALIAH KAYE (baby ALI)🙏😍😘😘” sabi ni Yam sa kanyang caption sa Instagram. Ilan sa mga kasamahan nya dati sa Bahay ni Kuya ang nag comment at nag paabot nang kanilang pagbati at pagkatuwa sa balita,

Credit: @gucongyamyam instagram

🥺 Congrats kuya Yam and Elaine 🥺” sabi ni Lou Yanong, “Ohhhhhh😢😍😢😍” sabi naman ng kanyang bestfriend sa bahay ni kuya na si Fumiya. Marami din sa ilan pang netizen ang nag congratulate sa magpartner.

Credit: @gucongyamyam instagram

Sa ngayon sa panibagong yugto na nabukas sa buhay ni Yam ay patuloy pa rin ngang nagsusumikap ito para sa kanyang pamilya kahit pa nga nanalo na ito sa reality show na Pinoy Big Brother. Pinakita nga na talaga nga namang masipag na tao talaga si Yam, dahil nagpatayo ito nang sarili nyang negosyo sa kanilang probinsya sa Bohol, nagsasaka nga din ito sa nabili nyang lupa roon.

Credit: @gucongyamyam instagram

Tunay na kahit pa sa hirap ng buhay tayong mga tao ay nakakahanap nang lakas para magpatuloy. Karaniwan ang lakas na ito ay nang gagaling sa ating pamilya, pagkat alam nating para sa kanila ang lahat nang ating ginagawa.

Credit: @gucongyamyam instagram

Kung kaya gaya ni Yam, patuloy tayong mag sumikap at harapin ang buhay nang may tapang at galak sa puso at siguradong gaya nya ay makakamtan mo ang ninanais ng iyong puso, basta manatili lamang na nasa lupa ang mga pa at wag kalimutan ang mga taong tumulong sayo sa pag angat.

Credit: @gucongyamyam instagram

Sa huli, pagbati para sa ganap na ama!

Credit: @gucongyamyam instagram

The post Yamyam Gucong, pinakilala na ang kanyang bagong silang na sanggol na si Baby Ali appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments