Wilma Doesnt, ibinahagi ang nakakakilig nilang litrato ng kanyang fiance bago sila ikasal

Sa ating buhay may mga okasyon tayong talagang pinakahihintay, para sa estudyante ito ay makapag graduate “with flying colors”, sa nag tatrabaho ay ang long awaited promotion, para naman sa mag partner ay ang exchange nang kani-kanilang wedding vows!

Credit: @doesntwilma instagram

Sa isa ngang post ni Wilma Dassent sa Instagram account nito ay makikita nga ang sweet na sweet na larawan nila ng kanyang magiging asawa na si Gerick Livelo Parin. Kamakailan lamang nang nag propose ito kay Wilma sa mismo pang kaarawan nito, na talagang masasabi nating napaka laking surpresa na nagpasaya ng lubos sa kanya.

Credit: @doesntwilma instagram

“Happy friday!!!! oh diba!!!finally!!!may maganda na kaming picture together na hindi ako basa!!!may mailalagay na ako sa wallet ko!!!15yrs ang hinintay ko para sa pic na ito noh!!!!! salamat sa lahat ng tumulong sa amin.” Sabi nya sa kanyang caption.

Credit: @doesntwilma instagram

Damang dama nga sa kanyang caption habang nagpa pasalamat sa mga tumulong para sa prenup pictures nila ang kanyang galak, na talagang halatang naenjoy nya ito, “Photo-Chuckie Jude Samonte Zabella salamat sa walang sawa mong pagpapa akyat sa akin sa mga bati.

Credit: @doesntwilma instagram

model ako ha,hindi rock climber!!!! Video-Forevermine Wedding Films na feeling nya ung mga bato ay patag para patakbuhin kami ng naka paa!! Stylist-Omar Sali na sana ang gusto nmin ni bebelub ay simple at shorts lang..but no!!!ikaw na ang nag decision kya wala kami choice!!

Credit: @doesntwilma instagram

Make up artist-Ray Bien Gonzaga Maglonzo salamat sa napaka raming chika at konting make up!!!! waaaaa Hairstylist-@keigh dones salamat sa patubig mo sa buhok ko!! Coordination @momentsbyruffa salamat sa pinadala mo masaya sila at nakatulog ng maayos!!!! Location-CAMP AGOS Daraitan salamat sa napaka warm welcome ninyo sa aming grupo!!!”

Credit: @doesntwilma instagram

Marami naman sa mga netizen ang nag congratulate kay Wilma, “Congratulations to both of you and best wishes po ms. wilma🎊💐”, “❤❤❤ Bongga! True love waits 😍, “Congratulations Madam😍❤❤”, at marami pa ngang iba.

Credit: @doesntwilma instagram

Si Wilma Doesnt ay pinanganak sa Manila. Isang actress, kilala bilang Sisterakas (2012), Beauty and the Bestie (2015) at Magikland (2020). Sya ay isa ding model at nakatrabaho na ang ilang kilalang prestigious designers, photographers at publications sa fashion Industry.

The post Wilma Doesnt, ibinahagi ang nakakakilig nilang litrato ng kanyang fiance bago sila ikasal appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments