Neri Miranda, sinurpresa ang kanyang asawa na si Chito ng isang yate para sa kaarawan nito

Nakatanggap ka na ba nang regalo? Marahil oo. Alam natin na sa madaming pagkakataon iba pa rin talaga ang regalong pinaghandaan at alam mong magagamit nang pang matagalan. Ilan sa mga ito ay mga gamit na mapapakinabangan sa trabaho, business, at ilan pang makakapag develop ng status mo bilang tao.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Tunay na ito nga ay pahahalagahan dahil sa dami nang mga bagay na pwedeng iregalo dapat doon na sa talagang tatagal at magagamit nang pinagbigyan mong tao.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Sa isang instagram post ni Neri Naig asawa ng sikat na vocal ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ay pinakita nito ang kanyang regalo para sa kaarawan nito—isang yate!

“Happpppy birthday, baby ko! Surpriiiise! 😁” sabi ni Neri sa kanyang post. “May maliit na kaming yate. Parang pinalaking speed boat lang , pero may bedroom, mini sala, at banyo hehe! Tamang tambay lang sa dagat with our family and friends. Maganda rin mag-fishing kasi mahilig kami mag-fishing!” dagdag pa nya.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Ayon kay Neri na balak rin nilang ipa rent ang nasabing regalo para naman daw makabawi sya sa kanyang naibili rito,

“Syempre bilang wais na misis, ipaparent din namin to soon! Para makabawi-bawi naman kahit paano hahaha! Buti nalang may mga business partners ako dito hehe!” sabi pa nya.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Pinangalanan nga din nila ang yate na ‘Margarita’ sa kadahilanan na hindi naging babae ang kanilang baby, kung kaya sa yate nalang nila ito pinangalanan, “Anong name ng yate? Syempre, “Margarita”! Since hindi girl ang naging baby namin, dito na lang namin ipinangalan, hehe!”.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Sa huli nang caption ay hindi nga talaga nawala ang pagiging entrepreneur ni Neri dahil may pa advertisement pa syang spill para sa kanilang new baby yacht na si Margarita,

Credit: @mrsnerimiranda instagram

“Follow @margaritayacht para malaman nyo soon kung kailan pwede nang i-rent. Stay kayo sa @mirandasbeachcondo tapos rent kayo sa @margaritayacht para mas masaya ang vacation nyo sa dagat. Wala pa kaming jetski, pero balak ko na rin pag-ipunan. Next time muna…sagad na bulsa ko 😅

Credit: @mrsnerimiranda instagram

Si Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda, na mas kilala bilang Neri Naig, isang Filipina actress. Nadiscover matapos sumali sa Star Circle Quest, isang reality show nang ABS-CBN na in search para sa new actors at actresses at sya ay naging 6th runner-up doon.

Credit: @mrsnerimiranda instagram

The post Neri Miranda, sinurpresa ang kanyang asawa na si Chito ng isang yate para sa kaarawan nito appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments