Ano nga kaya ang pakiramdam ng isang magulang na nakikitang napakabilis lumaki ng kanilang mga anak? Sentimental tuloy ang pakiramdam sigurado sa tuwing ang kanilang mga anak ay magdiriwang ng kanilang kaarawan. Para sa aktor na si John Estrada, hindi niya maiwasang maging emosyonal sa espesyal na kaarawan ng kanyang lovely daughter.
Credit: @john_estrada instagram
Nagdiriwang kasi si Samantha Anechka ng kanyang 10th birthday noong February 6. Close na close din kasi talaga si Samantha sa kanyang amang aktor. Parang kailan lang nang ilang taon pa lang si Sam at aminadong Daddy’s girl naman din talaga ito.
Credit: @john_estrada instagram
Hindi tuloy maiwasan ni John Estrada na magpost ng mga throwback pictures nila ng kanyang prinsesa. Throwback photos nilang dalawa ni Anechka ang makikita kalakip ang kanyang birthday message.
Credit: @john_estrada instagram
“Wow… time really flies. I still remember vividly those times when you were just starting to walk. Your first words… Those times when I can still carry you in my arms,” saad nito.
“Those days when you’re still in your stroller when we go pasyal. Your first day in school… And now all of a svdden you’re 10 years old,” dagdag pa niya.
Kasama din nito, ay nasabi din ni John ang kanyang birthday wish para sa anak.
“On your special day my love, all I’m praying is that for the Good Lord to keep you safe and for you to be healthy always. Rest assured mommy and Didi will always be here to guide, protect, and love you till the day we d!3. I love you Anechka. Happy happy 10th birthday, my love,” mensahe nito.
Matatandaang si Anechka ay anak ni John sa kanyang asawang beauty queen at aktres na si Priscilla Merielles. Maliban sa kanya, mayroon ding anak ang aktor kay Janice de Belen, na sina Kaila Estrada, na bahagi ng ABS-CBN primetime series Vir@l Sc@nd@l. Sa ngayon, mapapanood naman si John Estrada sa FPJ’s Ang Probinsyano.
The post John Estrada, may nakakatouch na mensahe para sa kaarawan ng kanyang anak na si Anechka appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments