Jodi Sta Maria, binahagi ang masayang pamamasyal nya kasama ang anak na si Thirdy sa Boracay

Sa dami nang ating balak puntahan, sa dami nang mga bagay na gusto nating i-try at sa dami nang panahon na tayo ay mamalagi dito sa mundong ibabaw, ang lahat nang yan gusto nating maranasan kasama nang mga taong pinahahalagahan nating tunay.

Credit: @jodistamaria instagram

 

Ito na kasi marahil ang pinaka pangarap nang lahat, ang maranasan ang mga magagandang bagay pangyayari o okasyon kasama nang mahal sa buhay.

Credit: @jodistamaria instagram

Sino bang hindi diba? Kahit pa sabihin nang ilan na kaya nilang mag isa o gusto nilang gawin ang mga yoon ng mag isa, sa kabilang banda ng kanilang mga puso, alam nila na mas masaya kung kasama nila ang mga mahahalagang tao na kanilang minamahal nang tunay.

Sa mga nakaraang posts ng sikat na artista na si JodI Sta. Maria ay makikita natin ang bonding nila nang kanyang anak na si Thirdy sa boracay. “My little boy yesterday, my friend today, my son forever. I love you always, anak! @iam.thrds” sabi nito sa caption.

Credit: @jodistamaria instagram

Sa mga larawan ay mababakas sa kanila na talagang nag i-enjoy ang mag ina na mag tampisaw sa beach ng boracay na talaga nga namang calming kung mamasdan. Makikitaan din sa mga ngiti ng mag ina na sinusulit nila ang bonding nilang ito.

Sa isa pang post, makikita na ang mag ina lalaki naghihintay sa isa sa maraming ihaw-ihaw na nakatayo sa paligid ng isla na kanilang pinuntahan.

Credit: @jodistamaria instagram

Talaga nga namang proud na proud ding pinakita nang artista ang isa pang larawan ng kanyang anak na maroon pang caption na nagbigay pa nang isang reminder sa anak,

“Soar high anak! Reach for your stars. I will always be behind you cheering you on 🤍 love you babe! @iam.thrds” sabi niya.

Credit: @jodistamaria instagram

Si Thirdy ay anak ni Jodi sa  dating asawa nito na  si Panfilo Lacson Jr. Si Jodi Sta. Maria ay isang Filipina actress, sya ay ikinasal kay Panfilo “Pampi” Lacson Jr., ang anak ni Senador Panfilo Lacson.

Tunay nga na nararapat lang na magbigay tayo nang oras para makasama an gating mga mahal sa buhay pagkat sila lang naman ang dahilan ng mga ginagawa natin. Kung kaya kung gusto silang makasama wag mo nang intayin na ayain ka pa nila, ikaw na ang mag aya, malay mo iniintay ka lang nila.

Credit: @jodistamaria instagram

The post Jodi Sta Maria, binahagi ang masayang pamamasyal nya kasama ang anak na si Thirdy sa Boracay appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments