Gabby Concepcion, nag post ng throwback picture kasama ang kanyang anak na si KC Concepcion

Minsanan ka na bang naghalukay nang mga gamit at nakakita nang mga larawan na dating pinitik? Marami nga tayong nakikita at naalala sa mga ito, may kakaiba ding kakayanan ang mga ito na iparamdam sayo ang iba’t ibang pakiramdam.

Anuman ang mga pakiramdam na iyon ay tunay nga na mahalaga pagkat may pinaalala ito na ating itinabi sa ating mga puso.

Credit: conceptiongabby instagram

Sa isa ngang post ni Gabby Concepcion ay makikita ang isang throwback picture kung saan kasama nya ang kanyang anak na si KC Concepcion. Sa larawan nga na iyon ay makikita ang batang batang si KC kasama ang kanyang daddy sa isang beach,

“Some people live a life time for moments like this…” sabi ni Gabby sa kanyang caption. Na nag comment naman ang dito si KC, ““🌊🐚🏖☀✨🐙♥🐠 I LOVE YOU SO MUCH!!!!!!!!!”

Credit: conceptiongabby instagram

Marami ang talaga nga namang natuwa sa litratong ito ang ilan pa nga ay napansin ang walang kupas na gandang lalaki nga ng aktor, “paano po kumalma?? shemsss kiligggg papiii aacckkkk🥰🤍!!”,

“OMGGGG!!! PAPIIII!! 😭🤍✨”, “Sarap pong magwala☺” sabi nang ilang nasa comment.

Credit: conceptiongabby instagram

Si Gabby Concepcion ay isang Filipino actor at businessman. Nakilala nga sya sa iba’t iba nitong pag ganap mapa pelikula man o sa mga commercial. Isa din syang heartthrob mapa hanggang ngayon, tumanggap din ito nang maraming mga award sa larangan ng pag arte.

Si Gabby ay unang lumabas sa isang commercial ng toothpaste bilang model din. Na introduced nga sya sa showbusiness sa edad na 15 at na starred sa palabas sa ilalim ng Regal Film na “Katorse”.

Credit: conceptiongabby instagram

Simula 1980 hanggang 1995 ay nakagawa na ito ng 80 na pelikula at tumanggap ng commercial at modelling na trabaho.

Tunay nga na sa bawat pagkakataon malaking bagay na may mga larawan na naitatabi sa bawat nakakasama natin ang ating mga mahal sa buhay dahil ang mga alaala ay tunay na napaka halaga at ang pagkakaroon nito ay makatutulong para mabalikan ang mga nakaraan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby)

Subukan mong maghalukay at tignan kung ano ang iyong mahahanap, malay mo may mga larawan ka na hindi akalain na nakuha at magbibigay sa iyo nang kakaibang sensasyon galing sa alaala na phinatid ng litrato.

The post Gabby Concepcion, nag post ng throwback picture kasama ang kanyang anak na si KC Concepcion appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments