Toni Gonzaga, nagdiwang na ng kanyang ika-38 taong kaarawan

May ate ka ba? Mapa bayolohikal man yan o hindi, lahat tayo may ate na kinikilala, na maaring nakilala lang natin sa trabaho, naging kaklase, sa ating dinadaluhang simbahan o nakilala lang natin sa kung saan na ngayon ay tinitingala na natin dahil sa kanilang kabutihang naiambag sa ating mga buhay. Kay sarap ngang magkaroon ng ate.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Isa ngang madamdaming pagbati ang binigay ni Alex Gonzaga sa kanyang ate na si Toni Gonzaga sa kaarawan nito. Nag post nga sa Instagram account nito si Alex nang kanilang larawang dalawa kung saan ay kitang kita ang bond nila habang very very light na yakap ni Alex ang ate nyang si Toni.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Sa pangalawa namang larawan sa post nito ay makikitang nire-retouch nya ang kanyang ate.
Talaga nga namang sa pagdaan ng panahon ay mas naging malalim ang samahan ng dalawa bilang mag ate na kitang kita din sa kung paano mag kulitan ang dalawa kahit pa sa mga on air na mga programa kung sila ay nagkakasama.

Credit: @celestinegonzaga instagram

“Happy birthday ate” bungad na sabi ni Alex sa caption, na sinundan nang madamdaming mensahe ng pag appreciate sa pagiging ate ni Toni sa kanya, “You are an inspiration to me in everything that you do! Sa lahat ng bagay lagi mo kasi ginagalingan hehe I will always be your clingy baby sister forever! We’ll celebrate our birthday together soon. Love you ate!” sabi nya.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Marami naman sa mga netizen ang nag paabot din nang mga mensahe sa aktres, “Happy birthday. May God give you the desires of your heart and continue to give you the joy, peace and love. God bless you!” “Happy Birthday Miss Toni, Idol” at mga ilan pang mga papuri patungkol sa kanilang samahan bilang mag ate.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Si Alex Gonzaga ay isang is a Filipina media personality, comedienne, businesswoman, host, singer at actress. Ang kanyang self-titled YouTube channel ay isa sa mga most subscribed channel dito sa Pilipinas. Samantala si Toni Gonzaga ay isa namang Filipina singer, host, actress, producer, vlogger at entrepreneur.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Tunay nga na ang ating mga ate ay isa sa mga tao sa buhay natin na nagiging inspirasyon natin sa maraming bagay, sila kasi ang mga taong tinitingala natin sapagkat sila ang palaging nandyan para ating tanungan dahil na din sa kanilang karunungan sa maraming bagay bagay.

Credit: @celestinegonzaga instagram

Kung kaya, kung may kinikilala ka mang ate, baka ito na ang sign mo kapatid! Take time na bigyan sila ng kahit simpleng appreciation post or chat.

Credit: @celestinegonzaga instagram

The post Toni Gonzaga, nagdiwang na ng kanyang ika-38 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments