Jewel Mische, ipinakilala na ang kanyang napakagandang 3rd baby na si Yzbel Quinn

Opisyal ng ibinahagi sa atin ng aktres na si Jewel Mische ang good news na naisilang na ang kanyang ikatlong anak.

Credit: @mischejewel instagram

Noong nakaraang Huwebes ay naisilang ni Jewel ang kanyang ikatlong prinsesa na si Yzbel Quinn.
Masayang ibinahagi ni Jewel ang good news na pagdating ng kanyang bagong baby.

“A full head of dark hair, doe-eyes, full lips and a perfect mix of his big sisters. Grateful that IF another girl, every prayer was answered and more!!!,” saad ni Jewel.

Credit: @mischejewel instagram

Muli daw naramdaman ni Jewel ang pakiramdam na kung saan siya daw ay nakaranas ng lubos na saya. Parang siya daw ay nakaramdam ng paglobo ng kanyang puso dahil sa sobrang saya. Sa paglalarawan ni Jewel, naramdaman daw niya ito, “had grown a million sizes in one instance.”

Credit: @mischejewel instagram

Isang regalo mula sa langit ang turing ni Jewel kay Yzbel. Ang Panginoon ang siyang nagbigay sa kanila ng ikatlong supling.

“Yzbel is definitely handpicked by the Lord and I can’t imagine life without her now,” saad ni Jewel.
Wala na daw masasabi pa si Jewel sa mga blessings na dumarating sa kanyang buhay at isa na nga dito ang kanyang bunsong anak na si Yzbel.

Credit: @mischejewel instagram

“I shake my head in amazement … I’m falling more in love with The Planner, The One whose ways are ultimately best … and that’s the greatest gift of all!!,” patuloy pa niya.

Credit: @mischejewel instagram

Matatandaan namang naisilang ni Jewel ang kanyang ikalawang supling noong April 2020 na si
Emerald “Emrie” Jade Kurzer. Naikasal si Jewel sa kanyang American husband na si Alister Kurzer sa isang winter wedding ceremony sa Michigan noong 2015. Mayroon pa silang isa pang supling na si Aislah.

Credit: @mischejewel instagram

Masaya nga naman bilang isang pamilya sina Jewel. Ang panibagong blessing na ito sa kanilang pamilya ay isang yaman na maituturing mula sa Diyos na siguradong kanilang maalagaaan.

Credit: @mischejewel instagram

The post Jewel Mische, ipinakilala na ang kanyang napakagandang 3rd baby na si Yzbel Quinn appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments