Goyong, muling sinayaw ang “Pepito mi Corazon” at talagang nagbigay aliw sa mga netizens

Mula pa man noon, napakarami ng mga child stars ang nagsulputan sa showbiz. Isa sila sa mga nagbibigay sigla at saya sa showbiz. Bukod kasi sa kanilang kulit, napakacute pa nga naman talaga ng mga bulilit na ito.

Credit: @iamclaudeg tiktok

Marami sa mga artista ngayon ay mula sa pagiging childstar. Tumanda na nga lang sila sa showbiz. Ang iba’y sumasabak sa pag-arte, pagsayaw o pagkanta. Ano pa mang talento nila basta may charm at talento ay pasok na pasok ito.

Credit: @iamclaudeg tiktok

Isa ang noon time show Eat Bulaga sa mga nalakaraming mga child star na pinasikat. Isa na dito ang 90s child star na kilala nating lahat bilang si Goyong.

Marami ang nabigla ng makita ng mga netizens si Goyong ngayon. Matapos kasi ang ilang taon, ay ngayon pa lamang siya nagpakita sa publiko ulit. Makikita sa kanyang Tiktok video na tila rinecreate niya ang kanyang 1998 performance sa Eat Bulaga’s “That’s My Boy” competition.

Credit: @iamclaudeg tiktok

Goyong o Steven Claude in real life, ay nagpost ng kanyang then and now dance videos na talagang makikita ang laking pinagkaiba. Siya ay sumasayaw sa kanyang video sa tugtog na “Pepito.” Marami ang tuwang tuwa sa kanyang video na ito.

Sa kanyang post, tinag din niya si Spencer Reyes ng Streetboys, na sumayaw din sa mga panahong 90’s.

Credit: @iamclaudeg tiktok

Sa ngayon, mayroon ng halos 50,000 likes at 1,000 comments sa TikTok. Kinagiliwan talaga ito ng mga netizens. Nostalgic kasi talaga sa kanila at tila bumalik sila sa kanilang mga childhood days.

Credit: @iamclaudeg tiktok

Bukod kay Goyong, marami na ring mga child star na hanggang ngayon ay napapasikat ng Eat Bulaga. Isa na dito si Aling Maliit o mas kilala bilang si Ryzza Mae.

Credit: @iamclaudeg tiktok

Biruin mong nagkaroon pa siya ng sarili niyang show na Ryzza Mae show. Kaya, nakaka amaze pag nakikita at binabalikan ang mga dating napapasikat na mga child stars ng show.

Credit: @iamclaudeg tiktok

The post Goyong, muling sinayaw ang “Pepito mi Corazon” at talagang nagbigay aliw sa mga netizens appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments