Anak ni Ryza Cenon na si Baby Night, nagdiwang ng kanyang 1st birthday

Parang kailan lang nang maisilang ni Ryza ang kanyang panganay na anak na si Baby Night. Isang taon na rin nang ibahagi sa atin ni Ryza ang balitang siya ay buntis hanggang sa maisilang niya ang kanyang baby na si Night.

Credit: @iamryzacenon

Ngayon, hindi lubos maisip ni Ryza na lumipas na ang isang taon at magcecelebrate na ng first birthday si Baby Night.

Kaya naman, sa pagbati ni Ryza sa kanyang IG. Mapapanood ang isang video na pinagsama-sama at cinompile ang lahat ng mga childhood moments niya nang siya ay nasa unang taon pa.

Credit: @iamryzacenon

“To my dearest Night, Happy 1st birthday! It’s hard to believe that you’re already a year old. Parang kailan lang nasa tummy ka ni mommy, but here we are celebrating your first birthday,” saad ni Ryza sa kanyang caption.

Isang katuparan ng dasal ni Ryza si Night. Nakumpleto ang kanyang mundo at buhay dahil kay Night. Excited na daw si Ryza na makita ang kanyang anak na maging responsableng mamamayan.

Credit: @iamryzacenon

“I thank God sa pagsagot ng dasal ko. At ikaw ‘yun anak. You complete us and give us hope. We’re looking forward to seeing you grow up to become a good, responsible and adorable person. We love you sooooo much! Happy birthday,” dagdag pa niya.

Credit: @iamryzacenon

Matatandaang noong October 2020 nang dumating si Night sa buhay nila bg kanyang partner na si Miguel Cruz. Masaya ang kanilang buhay lalo na nang dumating si Baby Night sa kanila.

Credit: @iamryzacenon

Nang tanungin naman tungkol sa kasal, mas binibigyang prayoridad muna daw nila ngayon si Baby.

“Matagal pa ‘yun . . . Focus muna sa baby first. Napapag-usapan naman namin ang kasal, pero hindi muna,” saad niya.

Credit: @iamryzacenon

Kaya naman, abang na abang din ang mga netizens kung kailan nga kaya sila ikakasal. Sa ngayon, bumati kay Baby Night ang lahat ng mga fans at nagmamahal sa kanila.

 

The post Anak ni Ryza Cenon na si Baby Night, nagdiwang ng kanyang 1st birthday appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments