Valerie Concepcion, may nakakatouch na birthday message para sa 17th birthday ng kanyang anak na si Heather

Si Heather ay ang anak ng aktres na si Valerie Concepcion. Nagdiwang si Heather ng kanyang 17th birthday noong October 25. Naipagdiwang nila ang kanyang kaarawan ng masaya kasama ang pamilya.

Credit: v_concepcion instagram

Sa isang IG post, nagpaabot si Valerie ng nakakatouch at espesyal na mensahe para sa birthday ng kanyang anak.

“Before this day ends, I want to greet my lovely daughter—Happy 17th Birthday, Heather! Sharing each day of my life with you is so special. Don’t forget that I am here for you and you are very much loved.

Credit: v_concepcion instagram

No matter how old you get, you will always be my baby girl and I will never stop loving you. You are and will always be my greatest treasure,” mensahe ni Valerie.

Samantala, sa interview naman ni Valerie sa isang morning show, naibahagi naman niya na 16 years old pa lang siya ng mabuntis kay Heather. Ang bilis ng panahon,di ba? Ngayon ay dalaga na ito.

Credit: v_concepcion instagram

“Tinago ko [sa parents ko] na may boyfriend ako, tapos biglang buntis na nga. Habang buntis pa ako, kinukulong ako sa bahay kasi natatakot sila na baka makipagtanan ako. Kasi na-in love talaga ako nung time na yun sa tatay ng anak ko,” saad ng aktres.

Sa katunayan, hindi pa daw nakita ni Heather ang ama nito. Pero nasabi na agad ni Valerie sa kanya dahil open sila sa isa’t isa.

Credit: v_concepcion instagram

“Bata pa lang sya, hindi ako nagsisinungaling. Sinasagot ko nang maayos, ini-explain ko lahat. Kahit hindi pa niya nakikita in person yung dad nya, pinakita ko yung picture. Ito yung tatay mo, ito ang pangalan nya. Wala akong sinisikreto sa kanya,” saad niya.

Hindi na daw bago ito sa kanila dahil talagang open sila. Hindi lang si Valerie ang open kundi maging si Heather ay open din daw sa kanya.

Credit: v_concepcion instagram

“Ngayon na teenager na sya, hindi sya nagsi-sikreto sa akin and I’m so thankful. At least maga-guide ko sya nang tama. Mas malaki yung tsansa na hindi nya maulit yung mga pagkakamali ko sa buhay,” patuloy pa ni Valerie.

Credit: v_concepcion instagram

The post Valerie Concepcion, may nakakatouch na birthday message para sa 17th birthday ng kanyang anak na si Heather appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments