Napakagandang bahay ng komedyanteng si Paolo Ballesteros sa Antipolo, nagmistulang isang malaking Christmas Gift

“Pasko na naman o kay tulin ng araw Paskong nagdaan tila ba kung kailan lang
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan Ngayon ay pasko tayo ay mag-awitan,” iyan ang isa mga Pinoy Christmas song classics.

Lahat ng Pinoy ay alam ang awiting ito. At lahat ay inaawit ito kapag malapit na ang Pasko. Ngayon, ay malapit na naman ang kapaskuhan. Kaya, nagsusulputan na ulit ang mga magagandang palamuting pamasko.

Credit: @pochoy_29 instagram

 

Una na ritong nagtrending at pinag-uusapan sa social media ay ang bahay ng Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros. Talaga namang kasing kabog na kabog ang mga Christmas designs at lanterns ni Paolo.

Sa IG post ni Paolo noong Lunes, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang bahay sa Antipolo. Isa kasing malaking ribbon ang nilagay niya dito. Nagmistulang higanteng regalo ang bahay ni Paolo.
Mula sa kulay na pula, gold naman ngayon ang kulay ng higanteng ribbon na ito.

Credit: @pochoy_29 instagram

“Merry Christmas na sa Antipolo Dabarkads! ♥♥♥,” saad ni Paolo sa kanyang IG. Randam na randam nga naman ng mga netizens ang Pasko lalo na ng mga nakakita nito at ng mga taong dumadaan sa kanyang bahay.

Papalapit na ng papalapit ang Pasko. Habang lumalapit ay nakikita ang mga Christmas decors, at naririnig ang mga Christmas songs.

Credit: @pochoy_29 instagram

Kaya naman, ready na talaga ang vibes ng Pasko sa bahay ni Paolo.
Narito ang mga komento ng mga netizens na excited na rin sa Pasko at tuwang tuwa sa kaniyang bahay.

“Buti na lang hindi pink if not parang squid game lang; it’s a nice ☝

“Bakit black paint instead of red (usual color for Christmas Gift wrapper)? Kasi magmumukang SOGO. 👌

Credit: @pochoy_29 instagram

“Mas maganda sya sa gabi!”

“Lagi ko sya natatanaw.punta kmi jan paulo mamasko.”

Credit: @pochoy_29 instagram

“Kung ganyan po gawin ko sa buong bahay namin, yung balutan ng ribbon, siguradong magpapasko’t bagong taon ako sa labas ng bahay namin. :))”

The post Napakagandang bahay ng komedyanteng si Paolo Ballesteros sa Antipolo, nagmistulang isang malaking Christmas Gift appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments