Jennylyn Mercado, masayang ibinalita sa kanyang mga fans na engaged na sila ni Dennis Trillo at sya din ay 2 buwan ng buntis!

Matapos ang mahabang paghihintay, masaya ang lahat sa good news na officially engaged na si
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.  Ikakasal na nga si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo matapos ang matagal na paghihintay. Isang simple pero makabuluhang propisal ang ginawa ng binata.

Credit: @mercadojenny instagram

“Siyempre gusto ko hindi masyadong magarbo. Sa panahon ngayon, dapat maging practical. Ginawa kong simple pero heartfelt pa rin,” saad ni Dennis.

Sa kwento naman ni Jen, wala daw talaga siyang alam sa nangyayari.

Credit: @mercadojenny instagram

“Wala akong idea dahil hindi ako masyado bumababa ng bahay. Pero nung time na ’yun, sinabi sa ’kin ni Dennis kailangan ko daw bumaba dahil may ishu-sh00t daw kami parang future message,” kwento ni Jennylyn.

Pero nang magsalita na daw si Dennis, ay kinutuban na si Jen na parang may something daw.

Credit: @mercadojenny instagram

‘Parang may mangyayari ata. Tapos noong nagsalita na siya, naiiyak ako. Kasi ngayon ko lang siya nakitang ganung ka-intense, ka-serious. Tapos lumuhod, nagulat ako bumukas ng pinto,” saad ni Jen.

Ginawa ni Dennis ang proposal sa loob ng bahay dahil kailangan todo ingat sa kondisyon ni Jen.
“Sa condition ni Jen, hindi siya makalabas ng bahay dahil may pinagdadaanan na medyo maselan,” lahad ni Dennis.


Credit: @mercadojenny instagram

“Positive ako,” saad naman ni Jen na tumutukoy sa kanyang halos dalawang buwan ng pagbubuntis.
Nakakaramdam daw siya noon ng mga sintomas habang shinosh00t ang upcoming series na “Love. D!e. Repeat.”

Ilan daw sa kaniyang mga naramdaman ay ang pagiging emosyonal, acid reflux, hilo at delayed ang buwanan niyang dalaw. Kaya, confirmed na buntis na si Jen.

Credit: @mercadojenny instagram

“Sa tamang oras, sa tamang panahon, sa pagkakataon na ready ka na siguro, duon siya ibibigay sa’yo. May 2 boys na kami so sana, sana ibigay sa amin ang baby girl,” lahad ni Jen.
Masaya naman ang mga netizens para sa kanilang dalawa at sa kanilang pamilya.


Credit: @mercadojenny instagram

The post Jennylyn Mercado, masayang ibinalita sa kanyang mga fans na engaged na sila ni Dennis Trillo at sya din ay 2 buwan ng buntis! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments