Sweet na litrato ni Vic Sotto at Pauleen Luna kasama ang cute na anak na si Tali, kinatuwaan ng mga netizen

Maraming Pilipino ang kilalang- kilala kay Vic Sotto dahil sa kanyang galing sa pagiging aktor, singer, TV host at lalong-lalo na ang pagiging comedian. Isa rin ito sa host ng noontime show na Eat Bulaga na tinaguriang longest-running Philippine noontime variety show.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Nakilala rin ito sa kanyang mga naging comedy movies na talaga namang nagustuhan at naging patok sa mga Pilipino. Ngunit matatandaang una talagang nakilala si Vic Sotto o kilala sa tawag na Bossing sa kanyang galing sa pag-kanta at hanggang ngayon ay umaarangkada pa rin ang kanyang career sa mundo ng showbiz.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Kaya naman ngayon ay mayroon itong limang anak at may pito nang apo—dalawang sa kanyang anak na si Danica, apat kay Oyo at isa naman kay Paulina. Matatandaang noong 2015 ay ibinahagi nina Vic Sotto at ang artista at co-host na si Pauline Luna ang balitang engage na ang mga ito sa publiko.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Kahit na may malaking age gap ang dalawa ay nanaig pa rin ang kanilang pagmamahalan.
Masasabi talaga ng madla na mayroong magandang relasyon si Vic sa kanyang mga anak dahil todo suporta ang mga ito sa naging desisyon nilang dalawa ni Pauline kaya naman noong Enero sa taong 2016 ay ikinasal na nga ang dalawa.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Hindi naman nagtagal ay nag-bunga na ang kanilang pagmamahalan at isinilang na ni Pauline ang kanilang first baby ni Vic Sotto na si Baby Talitha o kilala sa palayaw niyang Baby Tali.
ngayon ay tatlong taong gulang na ito at maraming netizens ang nahuhumaling kay Baby Tali dahil sa kanyang angking bibo at talino na lagi niyang ipinamamalas sa harap ng Philippine television at sa mga ipinopost ng kanyang mga magulang sa kanilang Instagram account.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Laging ibinabahagi ni Pauline ang mga cute at makukulit na videos ng kanyang 3-year-old baby dahil gustong-gusto nitong nagpeperform sa harap ng mga tao upang ipakita ang talent nito sa pag-kanta at pag-sayaw.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto instagram

Hindi lamang mga cute moments ang ipinopost ni Pauline kung hindi pati na rin ang mag sweet moments ng kanyang mag-ama. Kamakailan-lamang ay nagpost si Pauline ng isang letrato ng mag-ama habang malapit na natutulog ang mga ito.

Sa letrato ay makikita kung gaano ka komportable ang mag-ama sa yakap ng isa’t isa habang natutulog. Halatang-halata kung gaano ka-close ang dalawa at kung gaano nila ka-mahal ang isa’t isa kaya naman hindi mapigilan ni Pauline ang ibahagi ang moment na ito sa kanyang Instagram account.
“All I need” ito ang caption ni Pauline sa kanyang post. Mararamdaman kung gaano ito ka-saya at ka-kuntento sa kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya.

The post Sweet na litrato ni Vic Sotto at Pauleen Luna kasama ang cute na anak na si Tali, kinatuwaan ng mga netizen appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments