Masayang mga litrato ni John Prats kasama ang asawang si Isabel Oli at kanilang mga anak, kinagiliwan ng mga netizen

Sa mundo ng showbusiness, hindi lamang puro trabaho ang madadatnan at umiikot sa nasabing industriya dahil kung mapapansin ay marami rami ring nabubuong relasyon dito. Ang ibang mga nabubuong loveteams ay nagiging lovers in real life ngunit hindi lang naman loveteams sa Showbiz ang may chance makatuluyan ang kapwa celebrity.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Iilan sa mga love stories ng ibang married celebrity couples ay nagsimula sa kanilang mga common friends na napunta sa friendship, at relationship na nauwi sa kasalan. Isa sa mga ito ay ang ngayong married celebrity couples at mayroon ng sariling pamilya na sina John Prats at Isabel Oli.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Sa latest post ni John Prats sa kaniyang Instagram account ay makikitang kasama niya ang kaniyang mag-iina sa picture na may caption na “This is us!”. Sa simpleng litratong ito ay masasaksihan ang sayang nararamdaman ng pamilya sa oras na sila’y kompleto o sama-sama.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Ang mga kasama sa litrato ay si John Prats, asawa niyang si Isabel Oli pati na rin ang kanilang tatalong anak na sina Feather, Freedom, at Forest. Maaaring sa araw na nakuhanan ang litrato ay nakabakasyon si John sa kaniyang trabaho dahil maaalalang siya ay bahagi pa rin ng cast ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan patuloy pa rin ang taping para sa palabas.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Si Feather na ipinanganak noong April 2016 ay ang first daughter nina John at Isabel at ang pangalawa naman nilang anak na si Freedom na ipinanganak noong November 2018 ay isang baby boy. Noong nakaraang taon lang nang ipanganak ni Isabel ang kanilang ikatlong anak na si Forest na isa ring baby girl tulad ng kanilang panganay. Sa darating na June 17, 2021 ay isang taong gulang na si Forest na kasalukuyang bunso nila sa pamilya.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Si John Prats ay isang comedian, actor, dancer, TV host, model at entrepreneur. Napangasawa niya naman ay ang dating ‘crush’ niya lang na si Isabel Oli na isang model at aktres. Ang mag-asawang parehong nanggaling sa mundo ng Showbiz ay ikinasal noong taong 2015.

Credit: John Paulo Q. Prats instagram

Ngayon ay pinasok na rin nila ang mundo ng Youtube at ganap ng mga vloggers kung saan mayroon silang sariling channel na Pratty TV.

Magaan at maswerte para sa pamilya ang salubong sakanila ng taong 2021 dahil matatandaang nabanggit nila sa isa sa kanilang mga vlogs na nang pagsapit ng bagong taon ay naumpisahan na ang pagtatayo sa kanilang new home.

The post Masayang mga litrato ni John Prats kasama ang asawang si Isabel Oli at kanilang mga anak, kinagiliwan ng mga netizen appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments