Aktres na si Bea Alonzo, isa ng certified Kapuso!

Sa galing nito sa pag- arte at angking ganda ay sino ba naman ang hindi makakakilala sa isa sa mga napaka- gandang aktres na si Phylbert Angelli Ranollo o kilala bilang sa stage name nitong Bea Alonzo.

Ngunit kamakailan- lamang ng ibahagi at ibalita ni Bea sa kanyang mga fans at viewers ang pagiging official Kapuso nito sa GMA network matapos ang dawalang dekadang career nito sa ABS- CBN network.

Sa latest post ni Bea sa kanyang Instagram account ay nagbahagi ito ng kanyang mga letrato kasama ang mga nagpapalakad sa GMA upang magpirmahan ng kontrata kasama ang mga ito.
Sa kanyang caption ay labis ang pagpapasalamat nito sa ABS-CBN sa pag- alalay sa kanya at pagtuturo kung paano ito naging magaling na artista ngayon— mula sa kanyang talent sa pag- kanta at sa pag- arte.

“Today, I officially became a KAPUSO” eto ang introduksiyon ni Bea sa kanyang caption at masayang- masaya nitong ibinahagi ang magandang balita at magandang oportunidad para sa kanyang career.
“I would like to thank everyone who has been part of my 20-year journey, my fans, my colleagues, and the people who gave me opportunities and who have helped hone my talent.

To my ABS-CBN family, MARAMING SALAMAT PO. I will forever be grateful for everything.” Saad nito.
Kahit na opisyal nang naging Kapuso star si Bea ay hinding- hindi pa rin nito makakalimutan ang mga oportunidad at pagtulong ng kanyang mahal na ABS-CBN network dahil matagal din niya itong nakasama at naging malaking parte ito ng kanyang buhay at ng kanyang buong career.

Dahil ang ABS-CBN ang kanyang naging tahanan simula nang pumasok ito sa mundo ng showbiz at ito rin ang nag- bigay dito ng tsansa upang ipamalas niya ang kanyang galing sa pag- awit at sa pag- arte.

Hindi naman nakalimutang banggitin ni Bea ang kanyang bagong pamilya at nagpasalamat din ito sa tiwalang ibinigay sa aktres at sa buong pusong pagtanggap nila sa kanya.

“And now, I am entering a new chapter.. To my GMA family, I am humbled that you put your trust in me and I am beyond excited to be able to learn and grow in my new home.” Dagdag pa nito.
Marami ang nabigla sa naging desisyon ng aktres sa pag- sali nito sa GMA network dahil sa ABS-CBN talaga nakilala ng marami si Bea at unang umarangkada ang kanyang career kaya naman hindi rin napigilan ng nakakarami ang makaramdam ng lungkot sa desisyong ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Ngunit kahit na ganoon ang naging desisyon ng aktres at marami ang nalungk0t, hindi pa rin mawawala kung gaano ka-mahal ng mga viewers si Bea at patuloy pa rin nila ito susuportahan kahit sa ibang network na ito nagtatrabaho.

The post Aktres na si Bea Alonzo, isa ng certified Kapuso! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments