Doug Kramer, nagdiwang ng kanyang ika-38 taong kaarawan sa magandang resort na Amanpulo

Ibinahagi ng former basketball player na si Douglas Rimorin Kramer sa social media kung paano niya pinagdiwang ang kanyang birthday. Sa kanyang Instagram account, ipinasilip niya ang ilang mga kaganapan sa kanyang celebration sa kanyang kaarawan kung saan siya ay naging ganap na na 38 years old.

Credit: Doug Kramer instagram

Sa una niyang post para sa kanyang espesyal na araw ay makikita ang solo picture niyang nasa isang resort. May caption ang post na “38 years and feeling young! Grateful and counting my blessings everyday! ❤🙏”. Makikita sa comment section ang pagbuhos ng mga birthday messages na nanggaling sa kanyang mga tagasuporta at mga taong malalapit sa kanya.

Ipinagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa Amanpulo kung saan ang buong pamilya ay nag-enjoy sa beach at sa crystal-clear water na meron ang resort. Ang mga kasama niya ay ang asawa niyang si Chesca Kramer, at tatlo nilang anak na si Kendra, Scarlett at Gavin.

Credit: Doug Kramer instagram

Hindi niya rin pinalampas ma-capture ang mga pangyayari sa kanyang birthday celebration at ibinahagi rin ito sa isang Instagram post. Iilan lang ang mga ito sa captured moments nilang magpapamilya. May caption ang nasabing post na “Snippets from today’s birthday adventure!

Credit: Doug Kramer instagram

Started out with a sunny day!”, nagsimula ang espesyal na araw ni Douglas ng maayos at umaaraw.
“Went snorkeling with fishes and eventually saw a huge turtle! The kids were so ecstatic to swim and be beside the marine life!” sabi niya sa caption. Hindi lamang swimming ang ginawa ng pamilya dahil nasubukan din nila ang iba pang mga activities tulad ng snorkeling.

Credit: Doug Kramer instagram

“We eventually went to the edge of the island to the sand bar! 😍 Then it started to rain and we still continued to swim and enjoy God’s beautiful paradise here! Heart is full! ❤❤❤” dagdag pa ni Douglas sa kanyang caption.

Credit: Doug Kramer instagram

Kitang-kita naman kung paano naging mas espesyal at masaya ang kaarawan ng dating basketball player. Ang birthday trip na ito ay nagsilbing quality time nilang magpapamilya kung saan sila ay nakapagbonding habang sinusubukan ang iba’t ibang mga activities.

Credit: Doug Kramer instagram

Si Douglas at Chesca ay ikinasal noong 2008. Sila ay nabiyayaan ng tatlong anak. Ang kanyang panganay ay si Kendra, pangalawa naman si Scarlett at ang kaslaukuyang bunso ay si Gavin.
Ang pamilya ay mapapanood at mas makilala sa kanilang mga vlogs sa sariling youtube channel.

The post Doug Kramer, nagdiwang ng kanyang ika-38 taong kaarawan sa magandang resort na Amanpulo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments