Angelica Panganiban, ibinahagi ang nakakakilig nilang litrato ng kasintahan nyang si Gregg Homan

“I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love. Happy first year m love i wuv yew” saad ni Angelica Panganiban sa kanyang caption sa recent post nito sa kanyang Instagram account.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Caption palang ay sweet na sweet na ang binanggit ni Angelica dahil sa kanyang labis na sayang nararamdaman nito sa relasyon na meron sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.
Hindi lamang ang caption ni Angelica ang sweet na sweet kung hindi pati na rin ang letratong ipinost nito kasama si Gregg dahil sa letrato ay hinahalikan ni Gregg sa pisngi si Angelica habang nakangiti ng matamis ang aktres.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Kaya sino ba naman ang hindi kikiligin sa ibinahaging letrati ni Angelica sa madla. Hindi naman nakakapagtakang isa sa mga kinilig ay ang mga malalapit nitong kaibigan tulad nina Kim Chiu, Bea Alonzo at iba pa na hindi napigilang mag-kumento sa post nito at batiin din ang magkasintahan sa kanilang anibersaryo.

Matatandaang noong Pebrero ay ipinakilala na ni Angelica ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg na kilala bilang isang businessman. Sa Instagram ginulat ni Angelica ang publiko nang magpost ito ng isang letrato kasama si Gregg at kasama ang kanilang fur baby na si Roxy.

Credit: Angelica Panganiban instagram

Ngunit bago pa man i-reveal ng husto ni Angelica ang kanyang kasintahan ay nagdulot muna ito ng palaisipan sa mga netizens ng bigla itong magpost ng sweet na letrato noong New Year mismo pero hindi pa ipinangalanan ni Angelica kung sino ang lalaking kahalikan nito at kasama sa picture.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Si Gregg ang unang kilala at naging non-showbiz boyfriend ni Angelica matapos nitong magkaroon ng relasyon keyna John Lloyd Cruz, Derek Ramsay at Carlo Aquino noon. Simula nang i-reveal ni Angelica ang relasyon nito sa publiko ay mapapansin sa kanyang mga post sa Instagram account nito na madalas itong nananatili sa Subic kung saan naka-locate ang mga business at resort ni Gregg.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Marami rin itong mga letrato na laging naka-swimsuit at ineenjoy ang sunset, madalas ay kasama pa nito ang kanyang kasintahan. Tila ba’y ayaw na nitong tumira sa Manila na isang city life at manatili na lamang sa tabi ng dagat dahil napaka-payapa nga naman ang buhay doon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Mapapansin din kung gaano ka-saya ang aktres sa kanyang new found love dahil sa mga makikitang letratong ibinabahagi nito sa kanyang Instagram account.

The post Angelica Panganiban, ibinahagi ang nakakakilig nilang litrato ng kasintahan nyang si Gregg Homan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments