Anak ni Claudine Barretto na si Sabina, masayang nagdiwang ng kanyang ika-17 taong kaarawan

Kamakailan- lamang ay nagpost ang dating aktres na si Claudine Barretto sa kanyang sariling Instagram account ng mga letrato sa naging double birthday party celebration ng kanyang dalawang anak na babae na sina Sabina at Quia.

Credit: Claudine Barretto instagram

Nagdiwang ang panganay na anak ni Claudine na si Sabina Natasha ng kanyang ika- 17th birthday na may theme na Bangtan Boys o kilala bilang BTS na isang sikat na K- pop boyband sa Korea na may maraming taga- hanga sa iba’t ibang bansa.

Credit: Claudine Barretto instagram

Ito ang naging theme ng 17th birthday ni Sabina dahil fan na fan ito ng nasabing K- pop boyband kaya naman ang kanyang party ay punong- puno ng kulay violet na balloons at kagamitan dahil ito ang certified color ng mga BTS fans.

Credit: Claudine Barretto instagram

Sa mga letratong ibinahagi ni Claudine ay labis ang nararamdamang saya ni Sabina sa kanyang naging birthday partyat halting nag- enjoy ito, hindi lamang dahil paborito niya ang naging tema kung hindi dahil nakasama nito ang malalapit niyang kaibigan at mahal sa buhay sa araw na iyon.
Isa sa mga malalapit at mahal sa buhay na dumalo sa naging birthday party ni Sabina ay ang kanyang boyfriend na masayang ipinakilala ni Claudine sa madla.

Credit: Claudine Barretto instagram

Sa isang post ay mapapansin ang letrato ni Sabina kasama ang isang maputi at naka- salamin na lalake habang naka- akbay ito sa dalaga. Akala ng mga netizens at fans ni Claudine ay ang ikalawang anak nito na si Santino ang kasama ni Sabina ngunit lininaw niya ito nang magreply siya sa isang kumento.

Credit: Claudine Barretto instagram

“That’s NOT SANTINO. That’s Raffy, Sabs’ boyfriend. Saint doesn’t want his pictures taken.” Saad nito. Kaagad din namang sumagot si Claudine upang ipa- kilala na ang kasama ni Sabina ay si Raffy Antonio na boyfriend umano ng anak nito. Mapapansin na binigay na nito ang approval sa anak upang magkaroon ito ng boyfriend at suportadong- suportado ito ni Claudine.

Credit: Claudine Barretto instagram

Samantala, ang isa pang nag- diwang ng kaarawan ay ang kanyang ikatlong anak na si Quia na nagcelebrate ng kanyang ika-anim na kaarawan. Ito naman ay nagkaroon ng under the sea theme sa tabi mismo ng isang swimming pool.

Credit: Claudine Barretto instagram

Tulad ni Sabina ay masayang- masaya rin si Quia sa kanyang naging celebration ng kaarawan nito.
Matatandaang si Sabina ay ang pinaka-matandang inampon ni Claudine kasama pa ang dalawang anak nito na sina Quia at Noah na parehong adopted child din ng aktres. Si Santino lamang ang biological child nito sa kanyang dating asawa na si Raymart Santiago.

The post Anak ni Claudine Barretto na si Sabina, masayang nagdiwang ng kanyang ika-17 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments