Nikka at Patrick Garcia, masayang inanunsyo na magkakaroon na sila ng Baby boy

“Still in my tummy but already super duper loved! Can’t wait to hold you in My arms my Son.” hindi maitatago ang saya at excitement na nadarama ng mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez dahil sa wakas ay magkakaroon na rin sila ng isang baby boy.

Credit: Nikka Garcia instagram

Sa kanilang youtube channel na Garcia Family ay ibinahagi nila ang isa sa mga inaabangan ng kanilang mga followers at ito ang Gender Reveal. Bago pa man maganap ang content na ito, sa kanilang mga previous vlog ay nasabi ng mag-asawa na kahit ano pa ang maging gender ng baby ay masaya sila basta healthy ang bata.

Credit: Nikka Garcia instagram

Ayon kay Patrick, “Kahit ano. Kahit boy kahit girl sa akin, okay lang, basta bigay ni Lord, I’ll be super-super happy.” Pero kung si Nikka ang tatanungin ay mas gusto niya ang baby boy sapagkat mayroon na silang tatlong magaganda at cute na baby girls.

Credit: Nikka Garcia instagram

“Ako naman, I’ll be honest…siyempre, I am praying for a healthy baby…na boy. Pero kahit anong ibigay ni Lord…” Ayon sa kanila bago naganap ang big announcement na ito ay nag underg0 si Nikka ng N0n-Inv@sive Pr3natal T3st (NIPT) para malaman ang magiging gender ng baby.

Credit: Nikka Garcia instagram

Kahit na excited silang malaman ay hindi nila binasa ang naging resulta dahil sa kagustuhang maging surprise ito hindi lang sa kanilang mag-asawa maging sa mga pamilya at mga kaibigan nila. Sa kanilang vlog ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang sayang nadarama sa mga netizens at nagpasalamat sa Panginoon sa pagbibigay ng biyaya. Para sa kanila, answered prayer ang naging gender ng baby.

Credit: Nikka Garcia instagram

“We can’t thank the Lord enough. Sobra sobrang good ng Panginoon. This is so personal to me kasi parang grinant niya talaga ‘yung desire ng heart ko. I just continue to pray that we continue to be good stewards, you know, good parents, who will raise these children up to learn to love God with all of their hearts. We are so excited,” sabi ni Nikka.

Credit: Nikka Garcia instagram

“Kung naging girl yung baby namin, wala kaming problema kasi ang daming naming girls stuff. But, of course, now we are having a boy so we have to prepare for that,” dagdag naman ni Patrick sa pahayag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikka Garcia (@nikkamgarcia)

Bakas ang saya maging sa mga kaibigan at pamilya nila pati na rin ang tagasubaybay sa kanilang youtube channel. Siguradong lalaking mabuting bata ang baby boy na ito.

The post Nikka at Patrick Garcia, masayang inanunsyo na magkakaroon na sila ng Baby boy appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments