Anak ni Sheena Halili na si Baby Martina, kinagiliwan ng mga netizen dahil napakabehave habang kinukukuhan

Muli nanamang pinangiggilan ng netizens ang napaka cute na picture ng aktres na si Sheena Halili Manzanero kasama ang kanyang 5 months old baby girl na si Martina habang ginugupitan niya ito ng kuko.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero

Makikita ang nasabing larawan sa instagram account ni Sheena na ipinost niya nung Miyerkules kung saan may caption ito na “Mabait na bata talaga, mana kay daddy” na kaagad namang sinangayunan ni Daddy Jeron.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero

Kitang kita nga talaga ang pagiging hands on ni Sheena sa kanyang anak at talagang mababakas mo na mahalaga sakanya ang hygiene. Bumilib naman ang netizens hindi lamang kay Sheena kundi maging kay Martina dahil kahit sa kabila ng murang edad neto, napakatahimik habang ginugupitan ng kuko ng kanyang mommy.

Iba ibang klaseng papuri ang natanggap ng mag mommy sa nasabing picture at umani talaga ito ng napaka daming positive comments mula sa mga netizens.
Heto ang ilan sa comments:

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero

“Halaaaa. Ang good girl nga, kaya maggupit nails na awake ang baby”
“Little version of you just sooo cute”
“Ay buti pa si bebe mabait gupitan, mga babies ko kailangan tulog pa bago magupitan”
“Very hands on momma, kudos to sheena! Swerte ni baby at ni daddy”

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero

Kahit sa murang edad, mabaanaag na kay baby Martina ang napaka gandang looks nito pag laki kung kaya’t hindi malabo na may kalalagyan ito sa showbiz kung pipiliin niyang sundan ang yapak ng kanyang mommy.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero

Ikinasal si Sheena kay Atty Jeron Manzanero noong February 23, 2020, na ginanap sa Quezon City. Inanunsyo nila sa publiko ang pagbubuntis ni Sheena apat na buwan pagkatapos ng kasal. Samantala, ipinanganak ng aktres si Martina noong December 13, 2020.

Credit: Sheena Yvette Halili-Manzanero

Huling napanood si Sheena sa GMA series na pinagbibidahan ni Kyline Alcantara na Bilangin ang Bituin sa Langit na huling umere noong Marso nitong taon. Sa kabila ng napakagandang career at taunang project ni Sheena, makikita pa rin sa aktres na hindi nito nakakalimutan na bigyan ng sapat na oras at atensyon ang kanyang nagsisimulang pamilya.

The post Anak ni Sheena Halili na si Baby Martina, kinagiliwan ng mga netizen dahil napakabehave habang kinukukuhan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments