Magandang aktres na si Francine Diaz, ipagpapatuloy ang pag-aaral bilang isang Senior High School student

Karamihan sa mga indibidwal na pinapasok ang industriya ng showbusiness ay pansamantala munang tumitigil sa pag-aaral upang magfocus sa kanilang career. Minsan kasi ay kailangan nilang ialay ang lahat ng oras nila sa kanilang trabaho sa nasabing industriya dahil hindi naman mapagkakaila na busy ang buhay celebrity.

Credit: Francine Diaz instagram

 

Ngunit may iilan rin naman na sinusubukang pagsabayin ang kanilang karera bilang celebrity at responsibilidad bilang isang estudyante. Isa na rito si Francine Diaz. Sa kabila ng kaniyang busy schedule, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pag-aaral.

Credit: Francine Diaz instagram

Makikita sa latest post niya sa kaniyang Instagram account ang mga pictures niyang naka-school uniform at nagpapatunay na siya ay enrolled student sa Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU). “So happy and honored to be a SISFU-Southville Paladin. ❤ Excited to be on this journey as an SHS-ABM Student.✨

Credit: Francine Diaz instagram

ang nakalagay sa kaniyang caption kung saan naka-tag rin ang official Instagram account ng SISFU. Ang aktres ay isang ambassadress din ng nasabing institusyon. Ang teen actress ay isa nang opisyal na SISFU-Southville Paladin. Sa SHS-ABM Programme ng SISFU- Dual Qualification, siya ay mayroong pagkakataong kunin ang UK Higher National Certificate with Pearson.

Credit: Francine Diaz instagram

Kasalukuyan siyang mayroong project kung saan siya ay isa sa mga main characters, ito ay sa teleseryeng Huwag Kang M@ngamba na nagsimula ngayong taong 2021. Nakasama niya ulit dito ang Gold Squad.

Credit: Francine Diaz instagram

Taong 2015 nang magsimula ang career ng aktres sa Showbiz. Na-discover si Francine Carrel Saenz Diaz ng isang talent scout na naging tulay upang magkaroon siya ng mga career opportunities tulad ng mga commercials, modeling at acting.

Credit: Francine Diaz instagram

Siya ay sumikat at nakilala nang gampanan niya ang kaniyang first leading role bilang Cassandra Mondragon sa TV series na Kadenang Ginto. Dito nabuo ang Gold Squad kung saan kasama niya ang ka-love team niyang si Kyle Echarri pati na rin ang magka-love team na si Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Credit: Francine Diaz instagram

Ang Best Daytime Drama Series na ito ang kaniyang naging biggest br3ak sa industriya. Hangga ngayon ay patuloy pa rin ang pamamayagpag ng career ng aktres.

Credit: Francine Diaz instagram

Sa ngayon ay masasabing marami na rin ang mga naging proyekto ni Francine tulad ng mga commercials, teleserye, at palabas. Maraming beses nang na-nominate si Francine upang makatanggap ng iba’t ibang mga awards kung saan ilang beses na rin siyang nagawaran.

The post Magandang aktres na si Francine Diaz, ipagpapatuloy ang pag-aaral bilang isang Senior High School student appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments