Baby Enola Mithi, kinagiliwan ng mga netizen dahil sa mga cute na litrato kasama ang mga magulang na sina Carlo Aquino at Trina Candaza

Sino nga ba ang hindi kilala ang isa sa mga napaka galing na artista at singer na si Carlo Aquino. Nagsimula sa pag- arte si Carlo Aquino noong bata pa lamang siya sa taong 1992 at hanggang ngayon ay active pa rin ito sa pag- arte sa iilang mga proyekto sa showbiz.

Credit: Trina Candeza instagram

Ngunit mas nakilala ito noong nakatanggap siya ng mga achievements at awards sa galing niya sa pag- arte sa isang film na Bata, Bata… Pa’no ka ginawa? Kasama ang beteranong aktres na si Vilma Santos noong 1998. Ang palabas na iyon ay base sa isang award- winning novel ni Lualhati bautista.

Credit: Trina Candeza instagram

Ang palabas ay umani ng napakaraming awards pati na rin ang mga cast nito kasama si Carlo Aquino noon. Simula noon ay umarangkada na ang takbo ng career ni Carlo sa mundo ng showbiz.
Nitong Setyembre sa taong 2020 ay ibinahagi at ipinakilala ni Carlo Aquino ang kanyang first baby na si Enola Mithi sa kanyang girlfriend na si Trina Candaza.

Credit: Trina Candeza instagram

Inanunsyo ni Carlo ang napaka- gandang balita na ito sa kanyang Instagram account kasama ang close-up picture ng mukha ni Baby Enola na may caption na lyrics ng kantang “Your Universe” ni Rico Blanco. Tulad ng iba pang mga first time parents ay talaga namang proud na proud sina Carlo at Trina na ipakita at ibahagi ang mga cute na cute na pictures ni Baby Enola sa kani- kanilang Instagram accounts.

Credit: Trina Candeza instagram

 

Mapapansin sa mga post ng mga ito kung gaano kasaya ang mag kasintahan sa pagiging magulang kay Baby Enola kaya naman talagang hands- on ang mga ito sa kanya lalo na ito ang kanilang first baby kaya naman hindi matutumbasan ang sayang kanilang nadarama.

Credit: Trina Candeza instagram

Nitong lumipas na Father’s Day lamang ay nagpost si Trina sa kanyang Instagram post ng isang appreciation video para sa kanyang kasintahan na si Carlo Aquino para sa pagiging mabuting ama kay Baby Enola. Ang mahigit tatlong minute na video ay isang compilation ng mga moments ng pictures at videos ng mag- ama. Hindi nag- tagal ay nagpost nanaman si Trina ng isang family picture ng kanilang munting pamilya.

Credit: Trina Candeza instagram

Makikita sa mga letrato kung gaano kasaya ang mga ito na mayroon na silang Baby Enola sa kanilang buhay. Mararamdaman rin kung gaano ka- kuntento ang mga ito sa buhay pamilya dahil sa bawat ngiti na kanilang ipinakita sa mga letrato.

Credit: Trina Candeza instagram

Matatandaang kinumpirma ni Carlo ang kanyang relasyon kay Trina noong 2019. Nakilala ni Carlo ang kanyang girlfriend at kasama sa buhay sa isang car show sa Wolrd Trade Center noong naging model si Trina.

The post Baby Enola Mithi, kinagiliwan ng mga netizen dahil sa mga cute na litrato kasama ang mga magulang na sina Carlo Aquino at Trina Candaza appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments