Ellen Adarna, pinasilip ang masayang 3rd birthday celebration ng kanyang anak na si Elias

Credit: Ellen Adarna instagram

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Baby Elias? Siya ang nag-iisang anak ng dating couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Bagamat hindi na nagsasama ang dalawa, hindi pa rin naman sila nagkukulang kay Baby Elias.

Credit: Ellen Adarna instagram

Sa IG, makikita naman ang napakasayang birthday party ni Elias. Spiderman themed ang birthday party kaya naman napaka astig at siyempre isang spider man costume ang suot ni Elias.
Punong puno naman ng mga spiderman props at get up ang buong venue. Mula sa disenyo, costume at maging cake ay Spiderman themed ito.

Credit: Ellen Adarna instagram

Siyempre, expected naman na nandito ang kasintahan ng ina ni Elias na si Derek Ramsay.
Makikita na maging si Derek ay naka costume. Close na close din si Elias at Derek kaya naman masaya si Elias sa kanyang kaarawan. Bagamat wala ang kanyang amang si John Lloyd Cruz, sigurado namang may inihanda din si Lloydie sa anak.

Credit: Ellen Adarna instagram

SNang tanungin si Lloydie noon kung kamusta ang buhay ng isang ama,
“Parang pang pelikula lang pala yung ano—’yung parang nalaman mo parang, ‘Magiging tatay na ako!’ Para sa akin hindi. I mean, kung ano ‘yung nangyari sa akin, hindi.

Credit: Ellen Adarna instagram

To each his own. Baka naman sa iba, totoo ‘yun and you can never tell kung ‘yun ay totoo o hindi. Okay yan, ‘yung nangyari sa ‘yo. Pero para sa akin… We wanted it eh. Alam naman na namin na it was going to happen,” saad niya.

Credit: Ellen Adarna instagram

Bumuhos naman ang mga pagbati at mga wishes nila para kay Elias mula sa mga fans, netizens at mga nagmamahal sa kanya. Wala na nga namang mas sasaya pa sa isang batang gaya ni Elias sa kanyang kaarawan.

The post Ellen Adarna, pinasilip ang masayang 3rd birthday celebration ng kanyang anak na si Elias appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments