Child actress na si Ryzza Mae Dizon, masayang nagdiwang ng kanyang ika-16 taong kaarawan

Nagdiwang na ng 16th birthday si Ryzza Mae Dizon noong June 12. Ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account ang iilang mga litratong nakunan sa kaniyang simpleng selebrasyon. May caption itong, “officially 16!! 🥳”.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Nasa huling bahagi rin ng caption ng birthday girl sa kaniyang post ang pabirong pagsabi niyang “pero yung height pang 6 🤩” dahil hindi gaanong tumangkad ang aktres kung ikukumpara ang height niya sa mga nakalipas na taon kaya’t itinuturi pa rin siyang “baby girl” ng mga taga-suporta at kasamahan sa showbusiness.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Makikita sa kaniyang post na ang naganap na pagdiriwang ay simple lang kung saan may mga simple decorations sa kaniyang background na may nakalagay na “HBD RYZZA” at ang kaniyang edad na “16”.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Kahit na hindi na-celebrate ni Ryzza Mae ang kaniyang birthday kasama ang maraming tao tulad ng nakalipas na taon dahil sa p@ndemya, makikita naman sa social media ang pagsama at pagdiwang ng mga ito sa espesyal na araw ng aktres.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Makikita sa comment section ang pag-ulan ng mga mensahe o greetings ng mga taga-suporta, kaibigan, katrabaho, at mga kasamahan sa GMA Network bilang pakikipag-selebra sa kaarawan ng aktres. Iilan sa mga celebrities na nagpahayag ng mensahe ay sina Paolo Ballesteros, Ruru Madrid, Allan K, Ruby Rodriguez at marami pang iba.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Ika-8 taon na ni Ryzza Mae ngayong 2021 sa showbiz industry. SIya ay ang kasalukuyang pangalawang pinakabatang host sa variety show na Eat Bulaga. Ngayon ay isa na rin siyang ganap na vlogger at pinasok na rin ang mundo ng Youtube.

Credit: Ryzza Mae Dizon instagram

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon as isang tanyag na teen television personality. Maaalalang nagsimulang makilala si Ryzza Mae nang sumali siya sa Little Miss Philippines noong 2012. Ito ay isang segment sa Eat Bulaga na isang beauty contest para sa mga batang babae.

Matatandaan din na na-3liminate na siya sa competition ngunit nakabalik muli bilang isang contestant para sa w!ld card round. Sa kaniya namang pagbabalik ay nakuha niya ang titulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)

Nanalo Si Ryzza rito na naging tulay sa patuloy niyang pamamayagpag sa industriya ng showbiz. Ngayon, siya na ay isang teen actress at host. Napabilang na na rin siya sa napakaraming mga tv shows, teleserye, at mga pelikula kung saan naranasan niyang magampanan ang mga iba’t ibang klaseng roles.

The post Child actress na si Ryzza Mae Dizon, masayang nagdiwang ng kanyang ika-16 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments