Talaga nga namang nakaka blessed ang pamilya ni Iya Villania at Drew Arellano. Makikita sa kanilang IG post ang kanilang matiwasay na buhay kasama ang kanilang mga anak.
Credit: Iya Villania-Arellano instagram
Masasabi mo nga namang isa sila sa mga pinagpala at talagang biniyayaan ng magandang buhay na isa ding blessing mula sa Panginoon. At sa isang IG post nila ay napatunayan ng couple na sina Iya at Drew na ang kanilang anak na si Primo ay talagang big boy na.
Credit: Iya Villania-Arellano instagram
Panganay na anak nila si Primo, na 4 years old na ngayon. Makikita na shinare nila ang video na ito na kung saan makikita si Primo na napakasipag na naglilinis ng bintana. Talagang busy sj Primo na naglilinis para makuha niya ang bagay na kanyang inaasam.
Credit: Iya Villania-Arellano instagram
“This boy wants to buy a toy on Lazada. He counted his money earlier and he only has 93 pesos. The toy he wants is 670 pesos. So I told him that I’d pay him if he helps clean so that he can afford the toy,” saad ni Iya sa IG.
Credit: Iya Villania-Arellano instagram
Kaya naman, dahil may wish na laruan si Primo ay pinapa realize nila kay Primo na hindi lahat ng bagay na gusto niya ay makukuha niya agad. Mas maganda nga naman ito na mas matututo si Primo sa reward system na ito. Samantala, si Drew ay nagbahagi naman ng video na sinamahan ni Leon si Primo sa paglilinis ng bintana.
View this post on Instagram
“Nagmana sa nanay sa kalinisan (he got cleanliness from his mom),” saad pa ni Iya.
Bahagi nga naman ng parenting na maturuan ang mga anak na mas maging marunong sa buhay at alam nila ang value of patience at hard work. Kaya naman, masaya si Iya at Andrew kasama ang kanilang mga anak na sina Primo, Leon, at baby Alana na isang taong gulang na sa July.
Credit: Iya Villania-Arellano instagram
The post Panganay na anak nina Drew at Iya Arellano na si Primo, tinulungang maglinis ang kanyang ina para mabili ang laruang gusto nya appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments