Gwen Zamora at asawa nitong si Dj Semerad, pinasilip ang nabili nilang lote para sa kanilang ipapatayong tahanan

Masaya at proud na ibinahagi ng 30 years old former bubble gang babe na si Gwen Zamora ang pagbili nila ng bagong lote ng kanyang asawa na si Dj Semerad. Another milestone kung maituturing para sa kanilang pamilya ang pagbili nila nito, dahil ang nasabing lupa ang pagtatayuan nila ng kanilang future home.

Credit: Gwen Zamora Semerad instagram

Sa instagram post ng actress makita na hawak na nila ni Dj ang pirmadong titulo at sa caption sinabi nito na “Blessed and Grateful”. Maging ang asawa nito na si Dj ay nagpost ng parehong larawan sa kanyang instagram at sinabing “We are taking the next step as a family, blessed”

Credit: Gwen Zamora Semerad instagram

Kaagad naman itong inulan ng congratulatory message mula sa mga netizen at maging ang mga kaibigan nito sa showbiz na sina Sam Pinto, Kit Thompson at Tim Yap ay masaya para sa bagong achievement ng couple.

Matatandaang binahagi ng dalawa na sa Cabin home nila sa Batangas sila nanatili sa kasagsagan ng Qu@rantine. July 2020 ng magbalik Maynila sila at earlier this year ng lumipad sila papuntang France upang idaos ang kanilang pag iisang dibdib.

Credit: Gwen Zamora Semerad instagram

Isang malaking hakbang para sa bagong magasawa ang kanilang ginawa para sa pagbuo nila ng kanilang nagsisimulang pamilya. Sa kasalukuyan ay Family of three na sila dahil mayroon ng anak ang couple na isinilang ni Gwen noong August 2015 na ipinangalanan nilang Cooper John.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gwen Zamora Semerad (@gwenzamora)

Si Gwen ay anim na taon na artista under GMA artist bago siya lumipat sa Viva Artist Agency. Sa kasalukuyan ay freelancer ito sa ABS CBN at GMA network. Nakilala at tumatak sa publiko si Gwen noong taong 2010, matapos nitong gumanap bilang “Fey Kabisote” sa pelikulang si Agimat at si Enteng Kabisote na pinagbibidahan ni Vic Sotto.

2011 naman ng mapabilang ito sa FHM S3xi3st Woman kung saan nakamit niya ang World Rank #42.
Ang asawa naman nito na si Dj Samerad ay isang kilalang modelo at manlalaro ng basketball dito sa bansa na kabilang sa miyembro ng PBA Blackwater Bossing.

The post Gwen Zamora at asawa nitong si Dj Semerad, pinasilip ang nabili nilang lote para sa kanilang ipapatayong tahanan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments