Andi Eigenmann, may masulyap sa kanilang pinapatayong tahanan sa Siargao

Isa sa mga couple na talaga namang nakakabilib at napaka simple ay ang Happy Islanders couple na sina Andi Eigenmann at fiance niya na si Philmar Alipayo.

Source: Happy Islanders Youtube

Ipinakita na kasi nila ang kanilang bagong tahanan sa Siargao Island. Isa ito sa kanilang pinaglaanan at pinagpaguran. Pangarap nila ang magkaroon ng bahay kasama ang kanilang pamilya, at ito nga ay unti-unti na nilang nakakamit sa kanilang buhay.

Source: Happy Islanders Youtube

At sa kanilang recent vlog, ay masaya nilang naipakita at naibahagi sa atin ang progress ng kanilang property sa Siargao. Isa sa mga makikita dito ay ang on going na construction nito.

Hindi pa tapos ang exterior nito maging ang napakalaking playroom at study room para sa kaniyang tatlong anak. Sigurado nga namang ma eenjoy nila Ellie, Lilo at Koa ang kanilang area sa bahay.

Source: Happy Islanders Youtube

At dahil ang Siargao ay isa sa mga sentro ng turismo sa bansa, isa sa mga balak nila ay ang gawing bed and breakfast ang lugar na ito. Ibig sabihin, ito ay magiging rentahan para sa mga turista. Pero dahil na rin sa p@ndemya, at bago pa man din ito ay para muna ito sa kanila.

Source: Happy Islanders Youtube

“So private residence muna namin siya ngayon, isang room lang yung ino-occupy namin [It’s currently our private residence. We’re only occupying one room],” kwento ni Andi.

Source: Happy Islanders Youtube

Ilan sa mga makikita din sa update ni Andi sa kanilang bahay ay ang shots ni Philmar na inaayos ang kanilang hardin, at mga napakacute na larawan ni Ellie at Lilo na nilalaro ang kanilang bunso na si Baby Koa.

Kaya naman, isa talaga ang Happy Islanders Fam sa mga kinabibiliban at talagang inaabangan sa social media lalo na sa kanilang Youtube vlog.

Isa sila sa mga napakasimple at pang karaniwang pamilya sa showbiz na talaga namang hinahangaan mula pa man noong sila ay nagsimula sa vlogging at tumira sa Siargao.

The post Andi Eigenmann, may masulyap sa kanilang pinapatayong tahanan sa Siargao appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments