Tingnan ang masaya at enjoy na enjoy na pamamasyal nina Andi Eigenmann at kanyang mga anak sa Siargao

Kilala si Andi Eigenmann at ang kanyang partner na si Philmar Alipayo sa pagkakaroon ng simpleng pamumuhay. Mula sa kanilang pamamalagi sa isla ng Siargao, ay talaga namang mabibilib ka sa kanilang payak na buhay doon.

Bilang isang sikat na aktres noon, malayong malayo nga naman ang naging buhay ni Andi sa pagiging isang aktres kumpara sa kanyang buhay ngayon bilang isang ina at asawa.
Kaya naman, enjoy na enjoy at masaya talaga si Andi kasama ang kanyang partner at ang kaniyang tatlong anak.

Matatandaang umuwi sila noon sa Manila noong nakaraang buwan. At matapos ang ilang buwan ay nakabalik na sila Siargao. Siyempre, matagal tagal ding di nakatikim ng dagat at tubig ang magkapatid na Ellie at Baby Lilo kaya naman sa post ni Andi ay back to the old routine daw sila.

“Soaking up the sun!☀ back to our old routine of daily morning swims at the beach. It feels soo good to be back in paradise with the loves of my life,” saad ni Andi sa kanyang IG.
Makikita sa larawan ang enjoy na enjoy na si Baby Lilo at Ellie. Lumaki si Lilo sa dagat kaya naman walang duda kung paglaki nito ay magmana siya sa kanyang ama na isang magaling na surfer.

Matagal tagal din silang namalagi sa Manila dahil sa lockdown. Pero nakakatuwa din naman na sa kanilang pagbalik, ay masayang masaya ang Happy Islanders Fam.
At sa kanilang pagbalik, ay nadagdagan na sila ng isa, si Baby Koa. Siguradong paglaki din naman ni Koa ay laking dagat din ito.

Nakakabilib nga naman kung paanong pinalaki ni Andi ang kanyang mga anak. Gaya niya, natututo din silang lumaki at mamuhay ng simple. Sabi nga nila, the simple the better. Mas masaya nga namang mamuhay ng payak na masaya, payapa at puno ng pagmamahalan.

The post Tingnan ang masaya at enjoy na enjoy na pamamasyal nina Andi Eigenmann at kanyang mga anak sa Siargao appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments