Sofia Andres, ikinuwento kung paano nag-umpisa ang love story nila ng ng kanyang boyfriend na si Daniel Miranda

Ibinahagi ng kilalang aktres na si Sofia Andres kung paanong nahanap niya ang isang pag-ibig sa panahon kung kailang hindi niya ito binibigyang pansin, at kung paanong nabuo ang buhay niya kasama ang kasintahang si Daniel Miranda.

Credit: SOFIA instagram

Kung saan nakilala niya ito sa isang bar noong siya ay 17 years old pa lamang.
Sa panayam kasama si Erich Gonzales, sinabi ni Sofia na hindi niya inaasahan ang pagdating ni Daniel sa kaniyang buhay noong panahong iyon, sapagkat sa katunayan ay Wala siyang kaplano planong makipagrelasyon sa kahit na sino noon.

Credit: SOFIA instagram

“Party girl kasi ako nu’ng time na ‘yun. And then na-meet ko siya sa The Fort. Hindi ko talaga ini-expect kasi I wasn’t really looking for anything like love life or whatever,” Pahayag ng 22 years old na aktres.

Credit: SOFIA instagram

Buong galak pang ibinahagi ni Sofia Andres ang kanilang storya, ibinunyag niyang ang pinsan pa ni Daniel ang lumapit sa kaniya upang ipaalam na gusto siya ng noo’y binata at ngayon ay ama na ng kaniyang supling.

Credit: SOFIA instagram

“So na-meet ko siya. May kumalabit sa akin. Cousin niya pala. Sabi, ‘My cousin finds you pretty’. Sabi ko, ‘Ah okay’. Eh medyo tipsy na ako. So nagpa-picture siya. Hindi niya alam artista ako. Siyempre he doesn’t really watch mga shows here in [the Philippines],” paglalahad ng magandang aktres.

Credit: SOFIA instagram

The Pusong Ligaw star added that Daniel waited for her until 3 in the morning only to offer her water instead of alcohol. Sinabi pa ng Pusong Ligaw star na matiyagang naghintay si Daniel hanggang alas-3 ng madaling araw para lamang handugan siya ng tubig.

Credit: SOFIA instagram

“Tapos hinintay niya talaga ako hanggang 3 AM umuwi. Tapos in-oofferan niya ako ng water in the bar. Hindi alcohol. Tapos the next day, not for anything, kinukuha nila ang number ko. What I did, fini-fake ko talaga. Sa kanya ko lang binigay ang number ko. That’s how it started,” dagdag pa ng aktres sa interview.

Credit: SOFIA instagram

Inamin ng aktres na si Sofia na napahanga rin siya sa gandang lalaki ni Daniel: “Nacute-an ako sa kanya.” “First girlfriend din kasi ako so mafi-feel mo na hindi talaga siya marunong mag-move,” kaniyang pagkukwento.

Credit: SOFIA instagram

Ibinahagi rin ng aktres na tinulungan siya ng kasintahan na si Daniel na baguhin ang mga dating gawi gaya ng pagpaparty.

“Although ‘yung sa mga ganu’ng [puma-party], I’m done na with all that. Siya ‘yung adventurous. Ako I can just stay home all day ganyan. So ako parang oy nagsstay pala ako ganun. So, I’m really happy every time we’re out of town,” pagsasalaysay ng bagong ina.

Credit: SOFIA instagram

“So ‘yung mga ganun na-aappreciate ko na parang du’n niya ako ini-introduce sa ganu’ng side. Hindi du’n sa past side ko na [party girl].” dagdag pa niya. Isinapubliko ni Sofia ang pagmamahalan nila ni Daniel Miranda- isang Cebuano race car driver, noong taong 2018. Taong 2020 buwan ng Hulyo naman ay ipinaalam niya sa lahat na sila ay may anak na.

The post Sofia Andres, ikinuwento kung paano nag-umpisa ang love story nila ng ng kanyang boyfriend na si Daniel Miranda appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments