Aktor na si Zoren Legaspi, iba ang saya ng sya ay surpresahin ng kanyang asawa at mga anak sa kanyang ika-49 taong kaarawan

Blessings na maituturing ang pagkakaroon ng isang responsable, mabait at maabilidad na ama. Bilang isang ama, nararapat lamang na pahalahagan sila sa kanilang pagsisikap para maitaguyod ang kanilang pamilya.

Credit: Carmina Villaroel-Legaspi instagram

Kaya naman, sa espesyal na araw gaya ng kaarawan ng ating mga ama ay nararapat lamang silang pasayahin at gawin din itong espesyal para sa kanila. Ang aktor na si Zoren Legazpi ang isa sa mga celebrity na kilalang responsableng ama sa kanyang pamilya, asawang si Carmina Villaroel at kanilang anak na sina Mavy at Cassie.

Credit: Carmina Villaroel-Legaspi instagram

Noong January 30 ay nagdiwang siya ng kanyang 49th birthday. Mismong si Carmina ang nag surprise sa kanyang asawang si Zoren sa isang birthday cake na kanyang ibinahagi sa IG. Kasama din nito ay ang birthday caption ni Carmina na, “Happy happy birthday, Tatay @zoren_legaspi.”

Credit: Carmina Villaroel-Legaspi instagram

At siyempre, maging ang kanyang mga anak na kambal na sina Mavy at Cassie ay may sorpresa din para kay Zoren. “Happy birthday, Tatay Dinosaur. We love you so much and we are so blessed to have you,” saad ng caption ni Cassie.

Credit: Carmina Villaroel-Legaspi instagram

At dahil nasa l0ck-in taping si Cassie sa kanyang kasalukuyang show, ay wala ito personally pero nagpaabot siya ng pagbati sa kanyang ama sa pamamagitan ng video call. Mayroon din silang pa sorpresa para sa kanilang amang si Zoren. Isang malaking box ang nandoon at pagbukas ni Zoren ay may laman itong napakalaking balloon na may mensahe sa loob.

Credit: Carmina Villaroel-Legaspi instagram

Todo nga naman ang saya ni Zoren sa kanyang kaarawan. Kaya naman maging mga netizens ay bumati sa kanila.

“Happy happy birthday idol zoren legaspi. Stay gwapo”
“Happy birthday zoren .more blessings to come god bless you more…”
“Happy Birthday Zoren Legaspi.more birthday in the years to come God Bless You Always and God is guiding you always”

“Still hunk at 49!
S3xy pa rin at lakas pa rin ng karisma.Happy birthday,Mr.Zoren!”
“Happy Birthday Zoren…. Congrats for being a good father…”

The post Aktor na si Zoren Legaspi, iba ang saya ng sya ay surpresahin ng kanyang asawa at mga anak sa kanyang ika-49 taong kaarawan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments