Barbie Imperial, ibinahagi kung gaano sya kaexcited na maikasal ang kanyang matalik na kaibigan at parang ate na nya na si Ara Mina

Ang aktres na si Barbie Imperial ay napakasaya para sa engagement ng kaniyang matalik na kaibigan na si Ara Mina. Si Ara Mina ay engaged na sa kaniyang kasintahan na si Dave Almarinez. Nagpropose ang boyfriend ni Ara Mina sa kaniya sa Laguna noong nakaraang Enero 12.

Credit; Barbie Imperial instagram

Si Barbie Imperial at Ara Mina ay naging malapit sa isa’t isa dahil sa series na kanilang ginaganapan sa ABS-CBN na ”Araw Gabi” at dahil don ay nagsimula nang umusbong ang kanilang kagkakaibigan. Hindi naman maitatago ng matalik na kaibigan niyang si Barbie Imperial sa pagkakaengaged ni Ara.

Credit; Barbie Imperial instagram

“My ate is now engaged! congrats my ate, you deserve it, you deserve all the happiness in the world. I am so so happy for you ate! Can’t wait to see you in a beautiful white dress! I love you,” saad pa ni Barbie.

Credit; Barbie Imperial instagram

Si Ara umano ang itinuturing na best friend ni Barbie sa industriya ng showbiz. Dumalo si Barbie kasama ng kaniyang kasintahan na si Diego Loyzaga sa engagement party ni Ara Mina at Dave Almarinez na ginanap nooong Enero 12 taong 2021 sa isang pribadong restaurant. Kasama rin sa mga dumalo ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga na sinasabi ring isang malaptit na kaibigan ni Ara.

Credit; Barbie Imperial instagram

Sa isang larawan na kuha sa engagement party ni Ara ay makikitang nakaakbay si Barbie kay Teresa at kasama nila sa litratong iyon si Sunshine Cruz at ang newly engaged na si Ara Mina.

Credit; Barbie Imperial instagram

Sobrang close umano nila Barbie at Ara. Si Ara raw ang tinatakbuhan palagi ni Barbie kapag may nangyayari sa buhay niya. Ikinuwento ito ni Barbie noon at narito ang kaniyang pahayag, “Takbuhan ko talaga siya (Ara) pag malungk0t ako, pag masaya ako. Sobrang sweet niya kasing tao. Sobrang loving.”

Credit; Barbie Imperial instagram

Palaging dumadalo si Barbie sa mga iba’t ibang life events ni Ara tulad na lamang ng mga birthdays lalo na noong wala pang p@ndemya. Noon pa ay ito ang sinabi ni Barbie na birthday greeting para kay Ara na tila ba’y ngayon ay nagkatotoo na, “Sana magkaroon na siya ng love life, magkaroon ng boyfriend na mamahalin siya.”

Credit; Barbie Imperial instagram

The post Barbie Imperial, ibinahagi kung gaano sya kaexcited na maikasal ang kanyang matalik na kaibigan at parang ate na nya na si Ara Mina appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments