Aktor na si Kristoffer Martin, opisyal ng pinakilala ang kanyang napakagandang anak na si Prè

Credit:@kristoffermartin_ instagram

Isa sa mga aktor na kilala ng lahat at talagang sinusundan ng mga fans at netizens ay si Kristoffer Martin. Sa kabila ng may mga haka haka noon na may anak na  siya, ngayon ay opisyal ng kinumpirma ni Kristoffer na mayroon na siyang 4 year old daughter. Siya si Precious Christine or Prè.

Credit: @kristoffermartin_ instagram

Parang open secret na nga daw ito sa kanyang buhay, marami sa kanyang mga kaibigan ang nakaka alam nito. Sa katunayan maging mga kasama niya sa showbiz ay mga ninong at ninang pa nga gaya nila Alden, Bea, Rodjun, at Thea.

Credit: @kristoffermartin_ instagram

“Hindi naman kasi ako malabas ng personal eh. If you’re going to search dun sa mga account ko, talaga sobrang konti lang makikita mo sa personal life ko. That’s me. Alam ko kasi i-balance yung work ko sa personal life eh. Sabi ko nga, I want to give Prè yung privacy na deserve niya,” saad ng aktor.

Credit: @kristoffermartin_ instagram

Ayon pa sa kanya, hindi naman daw siya nagkukulang sa oras kay Pre bilang isang ama. Sinigurado niya na nagagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin bilang isang ama.
“I have Prè and I love my daughter. I really love my daughter. I miss her every day. When I call her, I always tell her, ‘daddy misses you every day. Daddy loves you so much’,” dagdag pa niya.

Credit: @kristoffermartin_ instagram

Sa ngayon. Si Pre ay nasa mommy niya dahil nasa Olongapo si Kristoffer,co parenting ang set up na mayroon sila dahil ayon sa aktor, “Things didn’t work out” sa kanilang dalawa.
“We talked about this and nag-usap talaga. I won’t go into details kasi hindi naman na dapat sabihin,” katuloy pa nito.

Credit: @kristoffermartin_ instagram

Masayang masaya si Kristiffer na sa wakas ay naisapubliko na niya ito dahil gustong gusto na daw niya itong sabihin talaga na kanya namang nagawa ngayon.
“Actually, I’m happy. Itong kay Prè ha, sobrang tagal ko nang gustong ilabas. As in sobra, sabi ko, ‘Lord, pengeng sign. Isang tao lang. Talaga may isang …ano lang. Proud ako na nagawa ko ito kasi she deserves this. She really deserves this,” pahayag pa ng aktor.

The post Aktor na si Kristoffer Martin, opisyal ng pinakilala ang kanyang napakagandang anak na si Prè appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments