Aktor at Model na si Juancho Trivino, masayang ibinahagi na sya ay nakapagtapos na kolehiyo matapos ang 12 na taon

Sabi nga nila, hindi karera ang bawat bahagi ng ating mga buhay. Hindi ito paunahan ku g sino ang unang matatapos sa pag-aaral o nagkakatrabaho. Lahat tayo ay may kanya-kanyang timing sa buhay. Kailangan lang natin maghintay at magtiwala sa perfect timing na ito para sa atin.

Credit: Juancho Trivino instagram

Gaya na lamang ang kwento ni Juancho Triviño. Siya ay opisyal ng nagtapos sa kaniyang pag-aaral matapos ang labing dalawang taon.

Credit: Juancho Trivino instagram

Sa wakas ay nakuha na niya ang kanyang inaasam na diploma at nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship mula sa De La Salle University.

Credit: Juancho Trivino instagram

Inanunsyo ng Kapuso actor sa kanyang IGa ang kanyang graduation at maging mga ilang snapshots nang siya pa ay isang estudyante mula sa DLSU.

Credit: Juancho Trivino instagram

“Finally! I graduated!! Allow me to share my story. Swipe right for the pics I will be talking about. I started college 2009, as you can see Iba pa itsura ko, not only that may malaking box pa yung mga monitor ng mga computer (just goes to show) and I stopped mid way to pursue my acting career,” kwento ni Juancho.

Credit: Juancho Trivino instagram

Matapos ang ilang taon, nagdesisyon si Juancho na magbalik sa pag-aaral ano man ang mangyari.
“Other than the fact that I realized that life is not one dimensional, I wanted to finish what my parents worked so hard for me to go through, to put me in a good school and to provide for us,” dagdag pa niya.

Credit: Juancho Trivino instagram

Naranasan din ni Juancho ang h!rap. Sa pagiging working student ay pumapasok siya na walang tulog.

Credit: Juancho Trivino instagram

“After 12 years, natapos din, kahit via zoom lang ang graduation ko after all those years of waiting – Gusto kong i-alay to sa Diyos at sa magulang ko @pattytrivino and @acaciadad,” saad naman niya sa IG.  “to encourage others, there’s always rainbow after the rain. It might not be the ideal time for me but God has his perfect time for us. On to the next challenge!”

The post Aktor at Model na si Juancho Trivino, masayang ibinahagi na sya ay nakapagtapos na kolehiyo matapos ang 12 na taon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments