Team Kramer, masayang nagbakasyon sa isla ng Boracay kasama ang mga pamilya ng mga kapatid ni Doug at Chesca

Mula nang magsimula ang p@ndemya, maraming mga travel restriction ang ipinatutupad sa bansa. Ito ay bilang pag-iingat na rin sa banta ng c0v!d.

Credit: Doug Kramer Instagram 

Ngunit sa haba ng panahon na tayo ay natengga sa ating mga bahay, hangad natin na sana ay maging maayos na ang lahat at bumalik na sa normal ang ating mga buhay.

Credit: Doug Kramer Instagram

Hindi natin maipagkakaila na isa sa mga na-miss nating gawin ay ang magbakasyon o mag-travel sa mga paborito nating lugar o destinasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)

Kaya naman tuwang-tuwa ang aktres na si Chesca Garcia nang magkaroon ng pagkakataong lumipad ang kanyang buong pamilya sa Boracay.

Kasama ni Chesca ang kanyang asawang si Doug Kramer at mga anak na sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

Credit: Doug Kramer Instagram

Sinabi ni Chesca sa kanyang Instagram post na bago sila lumipad patungo sa Boracay ay dumaan muna sila sa maraming safety protocol.

Sulat ni Chesca sa kanyang Instagram post, “Here we go!!! 🤗🤗🤗
Flying with this big group to Boracay! We are all so excited esp the kids. So happy that this happened. ❤ We took all safety precautions and requirements before flying.”

Credit: Doug Kramer Instagram

Sa kanyang Instagram ay ipinost ni Chesca ang ilang larawan kuha mula sa kanilang masayang bakasyon sa Boracay.

Kitang-kita sa mga larawan ang kasiyahan sa mukha ng kanyang mga anak habang ini-enjoy ang mala-paraisong isla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)

Sinulit din nina Chesca at Doug ang kanilang bakasyon na nagmistulang kanilang date.

Sa isa pang post ay inamin ni Chesca na noong mga nakalipas na buwan ay ginugunita lamang umano nilang magpamilya ang mga nagdaan nilang mga bakasyon at iniisip kung kailan ulit sila makakapagbakasyon.

Aniya, “Cherishing every moment that we thought might take a very long time to happen again. Many months back this seemed like a far-fetched plan and all we could do was reminisce on our family trips-wondering when will it happen again.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)

Malapit at napaka-espesyal din para kina Chesca at Doug ang Boracay. Dito kasi sila unang nagkita kaya naman labis ang kanilang pasasalamat dahil nakabalik ulit sila sa isla.

Kwento ni Chesca, “Fast forward, we are very thankful that we got to do this and come back to the place that is very dear and special to us (this is where Doug and I met). Being thankful may it be in small every day things or in big ones like this vacation. Being thankful and grateful has never weighed so much till this year came along. It is true what they say, who knows what tomorrow might bring.”

Credit: Doug Kramer Instagram

Dagdag niya, “That is why live life well, loving, being kind, grateful, appreciative, taking nothing for granted, live an honorable life not just to people that know you, but most of all to our Creator.”

The post Team Kramer, masayang nagbakasyon sa isla ng Boracay kasama ang mga pamilya ng mga kapatid ni Doug at Chesca appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments