Silipin ang ‘minimalist walk-in closet’ ni Kapamilya actress Julia Barretto na puno ng iba’t ibang designer shoes

Sa isa na namang “Just Julia” vlog episode, binuksan ni Kapamilya actress Julia Barretto ang kanyang ‘minimalist walk-in closet’ sa kanyang mga tagahanga.

Credit: Julia Barretto YouTube            

Ibinunyag ni Julia na noong una ay nag-aalinlangan pa siya na ibahagi ang kanyang ‘personal space’. Gayunpaman, itinuloy niya pa rin ang kanyang “Closet Tour” bilang pasasalamat niya sa kanyang mga tagahanga na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Credit: Julia Barretto YouTube

Una munang ipinakita ni Julia ang koleksyon niya ng mga designer bag. Isa na rito ang pinakaunang bag na nabili niya nang magsimula siya sa showbiz.

Credit: Julia Barretto YouTube

Pagbabahagi ni Julia, “Sirang-sira na siya…So it’s a black Balenciaga… Ito ang pinakauna kong bag and purchase ko when I started working. Pero nandiyan lang siya kasi may attachment ako sa kanya.”

Credit: Julia Barretto YouTube

Ibinahagi rin ni Julia na mas gusto niya ang maliliit na bag kaysa sa malalaki at pati na rin ang mga bag na may string!

Credit: Julia Barretto YouTube

Sunod na ipinakita ni Julia ang kanyang napakalaking koleksyon ng heels, sneakers, sandals, slippers, at boots.

Credit: Julia Barretto YouTube

Isa sa mga paboritong sandals ni Julia ay isang puting square-toe na gawa ng Bottega Veneta at isang Christian Louboutin heels.

Credit: Julia Barretto YouTube

Matindi ang pagkahilig ni Julia ngayon sa sneaker shoes. Kaya naman may isang cabinet siya na nakalaan lamang para sa kanyang koleksyon ng sneaker shoes.

Credit: Julia Barretto YouTube

Ibinida rin ni Julia ang isang cabinet kung saan makikita ang Christian Louboutin heels collection niya. Ibinahagi ni Julia ang dahilan kung bakit nahilig siya sa pangongolekta ng Christian Louboutin shoes.

Credit: Julia Barretto YouTube

Kwento ni Julia, noong una ay hindi pa umano niya alam ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang maganda at dekalidad na sapatos. Hanggang sa may isang event nga siyang dinaluhan kung saan ay nakita niya ang ibang mga babae na may magaganda at mamahaling mga sapatos.

Credit: Julia Barretto YouTube

Nang makita nga ni Julia ang sapatos ng mga kasamahan niyang artista ay nakaramdam umano siya ng hiya. Naiyak na lamang umano siya sa lungkot kaya naman nangako siya sa sarili na magtatrabaho siyang mabuti para makabili siya ng maraming pares ng Christian Louboutin shoes.

Credit: Julia Barretto YouTube

Ani Julia, “But I said to myself, I’m want to work so hard para when we fly to LA, pupunta ako talaga sa bawat Christian Louboutin na store and buy many pairs. So pagpunta talaga namin ng LA, pinuntahan ko lahat nang makikita kong Christian Louboutins and bought myself a lot of pairs. And then now, ayan na siya.”

Credit: Julia Barretto YouTube

Samantala, sa kabila naman ng pagkahilig ni Julia sa mga sapatos, ay inamin niya na maingat siya sa paggastos ng kanyang pera dahil nasa ‘adulting stage’ na umano siya ng kanyang buhay.

Credit: Julia Barretto YouTube

Maliban sa koleksyon niya ng designer shoes at bags, ipinakita rin ni Julia ang hindi mabilang na koleksyon niya ng denim jeans, tshirts at perfume.

Credit: Julia Barretto YouTube

The post Silipin ang ‘minimalist walk-in closet’ ni Kapamilya actress Julia Barretto na puno ng iba’t ibang designer shoes appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments