Dating Kapamilya stars na sina Alec Duñgo at Angeli Gonzales, mga ganap nang doktor!

Isa ang pagiging doktor sa pinakamahirap at pinaka-challenging na kurso at propesyon. Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang daan na tatahakin ng mga nangangarap na maging doktor ay mahirap at talaga namang napakahaba.

Credit: @alecdungo Instagram       

Ang mga dating Kapamilya star na sina Alec Brandon Duñgo at Angeli Gonzales ay kabilang lamang sa mga hindi sumuko sa mga paghihirap na kaakibat ng pagiging isang ‘tunay’ na doktor.

Credit: @kayeangelii Instagram

Para kina Alec at Angeli nagsimula lamang ang lahat sa isang pangarap ngunit dahil sa kanilang pagsisikap na maabot ang kanilang pinapangarap ay nagkatotoo ito. Ngayon nga ay isa nang mga ganap na doktor sina Alec at Angeli.

Credit: @kayeangelii Instagram

Matapos ang maraming taon na pag-aaral at pagsasanay sa medical school ay nagbunga na ang pagsisikap nina Alec at Angeli dahil kabilang ang kanilang pangalan sa mga pumasa sa katatapos lamang na “Physician Licensure Examination” na ginanap ngayong buwan.

Nitong Huwebes, November 26, ay ang isa sa mga pinakamasayang araw nina Alec at Angeli matapos nilang makita ang kanilang pangalan sa listahan ng mga pumasa.

Credit: @alecdungo Instagram

Kabilang sina Alec at Angeli sa 3,538 na nakapasa sa “Physician Licensure Examination” na inanunsyo ng Professional Regulation Commission.

Unang nakilala si Alec ng lahat matapos siyang sumali sa sikat na reality show sa telebisyon na “Pinoy Big Brother: Teen Edition 4” taong 2012.

Credit: @alecdungo Instagram

Talagang pinagbutihan ni Alec ang kanyang pag-aaral sa kanyang medical degree sa University of Sto. Tomas at nagtapos bilang cum laude ng kanilang batch noong 2019.

Kamakailan ay nakapanayam si Alec ng YouTube vlogger na si Rafael Erni kung saan ikwenento niya kung bakit niya napagpasyahan na huwag nang ituloy ang kanyang karera sa showbiz at sa halip ay mag-aral muli upang maging isang doktor.

Credit: @alecdungo Instagram

Kwento ni Alec, bago pa man siya pumasok sa PBB ay pangarap na umano niya ang maging isang doktor. At noong natapos niya ang kanyang undergraduate course na “BS Pharmacy” ay dumating umano siya sa punto na kailangan niyang pumili sa pagitan ng pagpasok sa medical school o ipagpapatuloy ang kanyang showbiz career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alec Brandon Duñgo (@alecdungo)

Pinili nga ni Alec na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral para maging isang doktor. Para sa dating housemate ni Kuya, hindi lamang isang trabaho ang pagiging doktor kundi isa itong ‘vocation’. Alam din ni Alec na hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad na maging doktor. Dagdag pa rito, ay nakikita rin umano ni Alec ang kanyang sarili na tumutulong sa mga tao.

Credit: @kayeangelii Instagram

Samantalang, si Angeli naman ay dating child star at sumikat nang mapabilang siya sa cast ng sikat na sit-com sa telebisyon na “Home Along Da Riles” at teen-oriented show na “Luv U” (2012).

Credit: @kayeangelii Instagram

Matapos pumasa ay masaya si Angeli dahil sa wakas ay mayroon na siyang, “Licensed to Heal”. Inaalay naman niya ang kanyang tagumpay sa Diyos.

The post Dating Kapamilya stars na sina Alec Duñgo at Angeli Gonzales, mga ganap nang doktor! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments